September 23, 2012
Sunday
Twenty-Fifth Sunday in Ordinary Time
by Rev. Fr. Allan Dialogo
Mass at Megamall, Chapel of the Eucharistic Lord
Reading 1 Wis 2:12, 17-20
The wicked say: Let us beset the just one, because he is obnoxious to us; he sets himself against our doings, reproaches us for transgressions of the law and charges us with violations of our training. Let us see whether his words be true; let us find out what will happen to him. For if the just one be the son of God, God will defend him and deliver him from the hand of his foes. With revilement and torture let us put the just one to the test that we may have proof of his gentleness and try his patience. Let us condemn him to a shameful death; for according to his own words, God will take care of him.
Responsorial Psalm Ps 54:3-4, 5, 6 and 8
R. (6b) The Lord upholds my life.
O God, by your name save me,
and by your might defend my cause.
O God, hear my prayer;
hearken to the words of my mouth.
R. The Lord upholds my life.
For the haughty men have risen up against me,
the ruthless seek my life;
they set not God before their eyes.
R. The Lord upholds my life.
Behold, God is my helper;
the Lord sustains my life.
Freely will I offer you sacrifice;
I will praise your name, O LORD, for its goodness.
R. The Lord upholds my life.
O God, by your name save me,
and by your might defend my cause.
O God, hear my prayer;
hearken to the words of my mouth.
R. The Lord upholds my life.
For the haughty men have risen up against me,
the ruthless seek my life;
they set not God before their eyes.
R. The Lord upholds my life.
Behold, God is my helper;
the Lord sustains my life.
Freely will I offer you sacrifice;
I will praise your name, O LORD, for its goodness.
R. The Lord upholds my life.
Reading 2 Jas 3:16-4:3
Beloved:
Where jealousy and selfish ambition exist, there is disorder and every foul practice. But the wisdom from above is first of all pure, then peaceable, gentle, compliant, full of mercy and good fruits, without inconstancy or insincerity. And the fruit of righteousness is sown in peace for those who cultivate peace.
Where jealousy and selfish ambition exist, there is disorder and every foul practice. But the wisdom from above is first of all pure, then peaceable, gentle, compliant, full of mercy and good fruits, without inconstancy or insincerity. And the fruit of righteousness is sown in peace for those who cultivate peace.
Where do the wars and where do the conflicts among you come from? Is it not from your passions that make war within your members? You covet but do not possess. You kill and envy but you cannot obtain; you fight and wage war. You do not possess because you do not ask. You ask but do not receive, because you ask wrongly, to spend it on your passions.
Gospel Mk 9:30-37
Jesus and his disciples left from there and began a journey through Galilee, but he did not wish anyone to know about it. He was teaching his disciples and telling them, "The Son of Man is to be handed over to men and they will kill him, and three days after his death the Son of Man will rise." But they did not understand the saying, and they were afraid to question him.
They came to Capernaum and, once inside the house, he began to ask them, "What were you arguing about on the way?" But they remained silent. They had been discussing among themselves on the way who was the greatest. Then he sat down, called the Twelve, and said to them, "If anyone wishes to be first, he shall be the last of all and the servant of all." Taking a child, he placed it in the their midst, and putting his arms around it, he said to them, "Whoever receives one child such as this in my name, receives me; and whoever receives me, receives not me but the One who sent me."
HOMILY
Magandang hapon muli mga kapatid. Naalala ko noong ako ay nasa elementarya, kasikatan noon ni Bruce Lee, kaya halos lahat ng mga bata, pati mga kaibigan ko, iniidolo namin si Bruce Lee. Ginagaya namin si Bruce Lee, ang kanyang buhok, ang kanyang lakad, ang kanyang porma ang ginagaya ko.
Noong nag-college naman ako ay nakahiligan ko ang pagkanta naman at inidolo ko ang mga Filipino singers na tulad nila Basil Valdez, Nonoy Zuniga, Martin Nievera. Yong mga tapes nila noon - mga cassette tapes pa diba - kabisado ko lahat yan. Pero ngayon po hindi ko na kaya (laughs) at nagbago na po ang aking boses.
Tayo ay may mga idols at ito ay nagiging huwaran natin diba? Lalo na sa mga kabataan, may mga tinitingala tayo na kung minsan ay sinusundan natin, ginagaya natin, kasi nais nating maging kagaya nila. Kung minsan, nag-iimprove ang iyong pagkatao dahil mayroon kang sinusundan. Sa ating mga pagbasa ngayon ay mayroon tayong mga pamantayan - 'yong ating mga modelo. Noong araw sa panahon ng Lumang Tipan, mayroong mga modelo na ang tawag natin ay 'righteous', 'yong mga just. Sino 'yong mga 'just'? Sila 'yong mga nagsasabuhay ng mga alituntunin ni Moses, na tinuturing na batas ng Diyos. Pag ikaw ay matuwid, ikaw ay 'just' - kapag sinusunod mo ang utos ng Diyos. 'Yon ang mga modelo noong mga panahong 'yon sa Lumang Tipan.
Sa ikalawang pagbasa, nakita natin noong panahon ni Hesus, na isinulat ni San Tiago, ang pagbasa ngayon ay nagbigay ng mga pamantayan kung sino 'yong may 'wisdom of God' o karunungan na nanggagaling sa Diyos. Ang karunungan na 'yon ay ang pamantayan din ng isang modelo, na sinusundan din ng mga tao. Ano ang mga katangiang 'yon - mahinahon, nagmamahal sa kapayapaan, matulungin, masipag, nandoon nakalista lahat.
Ang mga pamantayang ito ay nakita natin sa mga santo. Ang dami nating mga santo na pwede nating maging huwaran, maging modelo sa pamumuhay bilang Kristiyano. Si Blessed John Paul II ay naghirang ng napakaraming santo noong siya ang Santo Papa. Bakit niya ginawa 'yon? Kasi nais niya na tayo ay maging banal at maging modelo sa ating buhay Kristiyano. Kaya naman iba't ibang klaseng tao ang hinirang na santo ni Blessed John Paul II - may mangingisda, may nanay, may tatay, may isang ordinaryong teenager. Kaya ang isa sa atin ay pwedeng maging santo - pwedeng maging banal, pwedeng maging huwaran. Hinirang ni Santo Papa ang mga ordinaryong taong ito para wala tayong maging dahilan upang hindi maging banal. Ang mga ordinaryong taong ito ay naging santo kasi nabuhay sila sa pamantayan ng pagiging banal, kaya nga posible sa lahat - lahat tayo ay pwedeng maging banal. Anuman ang estado mo sa buhay - ikaw man ay pari, may-asawa o wala, may pamilya, nagtatrabaho, taxi driver, magsasaka, pwede kang maging santo. Si Blessed Pedro Calungsod ay isang katekista at siya ay magiging santo na ngayong October. Malay natin na ang susunod na magiging santo ay galing sa mga minister, o sa mga collectors, o sa mga kumakantang choir?
May mga modelo tayo na binibigay sa atin ng Simbahan, binibigay sa atin ng Panginoon. Pero kung makikinig tayo dito sa Ebanghelyo, mayroong twist. 'Yong pamantayan ng pagiging banal na ibinigay sa atin ngayon ni Hesus, na modelo o huwaran ay bata. Hindi Nya sinasabing 'yong pamantayan na binigay nila San Tiago, na narinig natin sa Unang Pagbasa ay hindi kasama, ngunit mayroon si Hesus na mas madaling maintindihang ibig sabihin ng pagiging banal - kung ano ang ibig sabihin ng pagiging anak ng Diyos - kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang mabuting Kristiyano - at 'yan ay ang isang bata.
Bakit kaya bata ang pinili ni Hesus na maging modelo na siyang dapat nating sundan? Unang-una, ang bata ay napakasimple. Wala 'yang mga ambisyon sa buhay. Simple lang ang pangarap ng mga bata. Ang bata, kendi lang masaya na. Ang mga matatanda naku marami tayong mga ambisyon sa ating mga komplikadong buhay. Sabi nga, ang komplikadong buhay, komplikado ang problema. Pag simple ang buhay mo, simple lang ang problema.
Bakit nais ng Diyos na simple lang tayo? Kasi pag simple ka lang, simple lang ang mga hangarin mo sa buhay mo. Sa mga konting pagpapala, magpapasalamat ka na sa Diyos, masaya ka na. Para sa isang simpleng tao, na simple ang pangarap, simple ang pangangailangan - ang mga simpleng bagay na ibinibigay ng Diyos, nakikilala niya, nakikita niya. Pag kumplikado ang buhay mo, 'yong mga simpleng ipinagkakaloob ng Diyos sa atin sa araw-araw ay nakakaligtaan natin, kasi nakatingin tayo doon sa mga komplikadong kahilingan. Kung ikaw ay simple lamang, you will recognize simple blessings from the Lord. Ang simpleng tao na nakakakita ng mga simpleng bagay na galing sa Diyos, ay madaling magpasalamat sa Diyos. Halimbawa ang simpleng pagkain, ang paggising sa umaga - ito ay mga simpleng biyaya ng Diyos.
Pangalawa, humility. Ang bata ay napaka-humble. Ang bata, alam niya ang kanyang kawalan, na wala siyang ipagyayabang. Kaya nga umaasa lamang siya sa kanyang mga magulang. 'Yon ang nais ng Diyos sa atin - na wala tayong pwedeng ipagyabang sa Kanya. Lahat ng nasa atin ay Kanya. Pwede Niya 'yang kunin sa atin, kahit na anong oras. Kinikilala natin na ang lahat ng biyaya ay galing sa Diyos.
Kung ang bata ay simple at napaka-humble, ang pangatlo, ang bata ay dependent sa kanyang mga magulang. Ang lahat ng kailangan niya ay hihingin niya sa kanyang mga magulang. Ang nais ng Diyos ay maging dependent tayo sa kanya, lalong-lalo na kung tayo ay nangangailangan. Paano tayo magiging dependent? 'Yon ay kung kinikilala natin ang ating kawalan, na wala tayong pwedeng ipagmalaki. Kasi kung mayabang ka, pupunta ka lang sa Diyos 'if you are already pushed to the wall'. Pero minsan sinasabi mo, "Kaya ko ito, hindi ko kailangan ang Diyos." Kasi mayroon kang pride. Ang isang taong mapagpakumbaba at alam ang kanyang kawalan, madaling dumulog sa Diyos. Kahit na maliit na bagay o suliranin, dumudulog siya sa Diyos, dahil alam niyang hindi niya kaya kung wala ang Diyos. 'Yong ang nais ng Panginoon sa atin, that we depend on Him as His children. Pero dapat 'yan ay nakaugat sa ating pagiging mapagpakumbaba. At itong pagpapakumbaba ay nakaugat din sa pagiging simple.
Mga kapatid, sana ang kunin nating mga huwaran ay 'yong mga hinirang na ng ating Simbahan. Hindi 'yong mga hinirang ng mundo. Sana ang kunin nating ehemplo ay 'yong mga banal ng Diyos. Sana ay mayroon tayong mga personal saints na kinilala na natin ang buhay at sinisikap nating sundan ang kanilang buhay kabanalan. Sana pag-uwi po natin ay simulan na nating pagsikapan na isabuhay ang buhay ng mga banal o tulad ng isang bata, na binigay na huwaran ng Diyos.
Today is also the Feast Day of St. Padre Pio of Pietrelcina
St. Padre Pio – Pray for us
No comments:
Post a Comment