Saturday, March 9, 2013

Gospel Reflection




March 09, 2013
Saturday – Year of Faith – Lenten Seasons
by Rev. Fr. (Major) Daniel D. Tansip, VHS (Vicar Forane, Vicariate of Palawan, Military Ordinariate of the Philippines)
12:15PM Mass, Sto. Nino de Paz Chapel (Greenbelt Chapel), Greenbelt, Makati
                         
Reading 1 Hos 6:1-6

“Come, let us return to the LORD, it is he who has rent, but he will heal us; he has struck us, but he will bind our wounds. He will revive us after two days; on the third day he will raise us up, to live in his presence. Let us know, let us strive to know the LORD; as certain as the dawn is his coming, and his judgment shines forth like the light of day! He will come to us like the rain, like spring rain that waters the earth.”

What can I do with you, Ephraim?  What can I do with you, Judah? Your piety is like a morning cloud, like the dew that early passes away. For this reason I smote them through the prophets, I slew them by the words of my mouth; For it is love that I desire, not sacrifice, and knowledge of God rather than burnt offerings.

Responsorial Psalm PS 51:3-4, 18-19, 20-21ab

R. (see Hosea 6:6) It is mercy I desire, and not sacrifice.
Have mercy on me, O God, in your goodness;
in the greatness of your compassion wipe out my offense.
Thoroughly wash me from my guilt
and of my sin cleanse me.
R. It is mercy I desire, and not sacrifice.
For you are not pleased with sacrifices;
should I offer a burnt offering, you would not accept it.
My sacrifice, O God, is a contrite spirit;
a heart contrite and humbled, O God, you will not spurn.
R. It is mercy I desire, and not sacrifice.
Be bountiful, O LORD, to Zion in your kindness
by rebuilding the walls of Jerusalem;
Then shall you be pleased with due sacrifices,
burnt offerings and holocausts.
R. It is mercy I desire, and not sacrifice.

Gospel Lk 18:9-14

Jesus addressed this parable to those who were convinced of their own righteousness and despised everyone else. “Two people went up to the temple area to pray; one was a Pharisee and the other was a tax collector. The Pharisee took up his position and spoke this prayer to himself, ‘O God, I thank you that I am not like the rest of humanity —  greedy, dishonest, adulterous — or even like this tax collector. I fast twice a week, and I pay tithes on my whole income.’ But the tax collector stood off at a distance and would not even raise his eyes to heaven but beat his breast and prayed, ‘O God, be merciful to me a sinner.’ I tell you, the latter went home justified, not the former; for everyone who exalts himself will be humbled, and the one who humbles himself will be exalted.”

HOMILY

Isa na namang mahalagang pagtuturo ang sa atin ay ipinapahayag sa ating pagpapatuloy ng ating pagninilay sa Kuwaresma. Tayo ay nasa kalahatian na ng 40 days of Lent. At kung mamamalayan natin, ang mga uri ng pananalangin ay ipinapakita sa ating mga pagbasa. Ang isa ay matatagpuan sa Unang Pagbasa na ating narinig. At ang dalawa naman ay ipinahayag ng dalawang klaseng tao sa talinhaga ng publikano o tax collector, at ng Phariseo. 

Likas sa mga panahon ni Kristo noon ang mag-isip na ang mga Phariseo ay expert sa kanilang mga gawain tulad ng pagdasal at pag-aalay sa templo. Sa kabilang banda, ang mga publikano, na siyang public offender sa batas, ay hindi inaasahang alam ang lahat tungkol sa templo at pati ang pagdarasal. 

Kung pag-aaralan po nating mabuti ang Phariseo, sila po 'yong mga self-righteous people, at mahilig manghusga sa ibang tao. Wala sa kanila ang pagdarasal na nagmumula sa kalooban, sa kanilang puso. Marahil sila ay nagdarasal dahil ito'y hinihingi ng tradition o rituwal. Mahalaga sa kanila 'yong nakikita sila ng tao na nagdarasal. Kailangang ipakita ito sa mga tao. Hindi mahalaga 'yong kung ano 'yong nasa kalooban. Iba ang laman ng kanilang damdamin. At ang tunay na laman ng kanilang puso ay narinig natin sa kanilang panalangin. Panginoon, salamat po at hindi ako katulad ng ibang mga taong makasalanan - mga swapang, dishonest, adulterous - o di kaya'y tulad nitong publikano - itong nasa aking tabi. Ako ay nag-aayuno (ibig sabihin ay gumagawa ng sakripisyo) dalawang beses sa isang linggo. Ako po ay nagbibigay ng aking ikapu, o 'yong tinatawag nating tithing sa panahon natin ngayon. Mapapansin na ang kanilang panalangin ay puno ng pagmamataas. At sa kanilang mga panalangin, sila ay gumagawa ng category. Inihihiwalay nilang mabuti ang iba, at sila lang ang mabuti sa pamamagitan ng pagsabi ng lahat ng kanyang nagawang kabutihan sa kanilang pagdarasal. Kasabay nito ay ang pang-iinsulto, panlalait, at pangmamaliit sa ibang mga tao. Ang pagmamalinis sa harap ng Diyos ang karaniwang binabanggit ng Phariseo sa kanilang pagdarasal sa Panginoon. Ito ang uri ng kanilang mga panalangin. 

Sa Unang Pagbasa, makikita natin na itong mga Israelita ay kumikilala sa kanilang mga kasalanan, at nagtitiwala sa Diyos na sila ay muling bubuuin at ibabalik sa orihinal na estado sa buhay. Pero itong klaseng pananalangin ay isa lamang lip service, sapagkat may insincerity on the part of the Israelites dito. Walang halaga sa kanila ang intensiyon na magsisi at magbago. Dasal sila nang dasal, pero ayaw namang sundan ng pagbabago ang kanilang buhay. Gusto nilang may mabago sa estado ng kanilang buhay, pero ayaw nila namang ayusin at ituwid ang kanilang pag-iisip at pamumuhay. 

Ang pangatlong uri ng pagdarasal ay maihahalintulad natin sa isang tax collector, sa isang publikano. With all humility, humingi siya ng kapatawaran sa lahat ng pagkakasalang nagawa niya. At ito po'y ginagawa rin natin sa tuwing tayo'y nagsisimba. Sinasabi natin, 'through my fault, through my fault, through my most grievous fault'. The words are a lesson in prayer for everyone of us. "God, be merciful to me, a sinner." Maawa po kayo sa akin, O Diyos, ako'y isang makasalanan. Siguro, iyon ay magandang pasimula ng ating panalangin sa tuwing tayo'y nagdarasal. Huwag kaagad tayong humiling kay Lord. Unahin natin ang ating paghingi ng tawad. Maawa po kayo sa akin, O Diyos, ako'y isang makasalanang tao. 

Sa pagdarasal, ang kailangan po nating unahin sa lahat ay humility. Mababang kalooban. Tayo ay nakikipag-usap sa Diyos habang tayo ay nagdarasal. Hindi natin kapantay ang Diyos, kaya't wala po tayong karapatan na magyabang o magmataas sa harapan ng Diyos. Batid Niya kung sino tayo, at kung ano ang ating mga nagawang kalabisan at kasalanan sa buhay. Batid ng Diyos ang ating kalooban, bago pa tayo magdasal sa Kanya. Kaya nga kung tayo ay magdarasal, una, dapat ay nandoon ang kababaang-loob. Ito din ang hinihinging first step ng ating tamang pananalangin. 

Ikalawa ay 'yong sinseridad sa ating puso. Nanggagaling sa puso, nagmumula sa puso ang ating panalangin. At ang ikatlo ay ang kahandaan natin na baguhin ang ating sarili. Binabago ng Diyos ang ating pananaw sa buhay, sa tuwing tayo po ay nagdarasal nang taimtim. 

Meron pong mga pagkakataon na ang laman ng ating dasal ay hindi po para sa atin, kundi para sa iba. Kami pong mga pari, madalas na nilalapitan at hinihingan ng prayers. 'Father, please ipagdasal mo po at isama mo sa misa mo ang aming anak, para makapasa sa Board exam.' Kahit na anong prayers pa 'yan, kung 'yong anak ninyo, hindi tinutulungan ang sarili, wala ring kahulugan ang pagdarasal. 

Iba-iba po ang ating paghingi, ngunit halos lahat ay humihingi ng panalangin sa pari. Minsan, palaging inaasa na lang natin 'yong petition prayer sa pari. 'Yon bang pari ay pinagdarasal natin? O nauuna pa tayo sa chismisan? Chini-chismis natin 'yong parish priest natin? 

Ngayon ay modern na. Fino-forward na 'yong petition through text message. 'Yong petition, fino-forward na lang sa kaibigang pari. Mabuti pa sa text message, piso lang ang bayad, kaysa idaan mo sa opisina, singkuwenta pesos ang bayad sa bawat padasal, bawat petisyon. Pag may kaibigan po kayong pari, huwag n'yo naman pong gawing parang jukebox 'yong pari. Na isang hulog po lamang ng piso through text ay dapat ka niyang ipagdasal. 

Madalas ay may dinarasal tayong isang malaking kahilingan sa Diyos. Pero kung nakuha na po natin at naging answered prayer na po ito, kung magbigay naman tayo sa simbahan, ay madalas na napakaliit kumpara sa napakalaking hinihingi natin kay Lord. 

Minsan, may nagpa-bless sa pari na bagong sasakyan, top of the line. Sa bawat blessing, panay ang kwento ng may-ari sa pari, kesyo ang tagal daw niyang ipinagdasal para magkaroon siya ng bagong sasakyan. At ang kanyang sasakyan ay napakamahal. 1.4 million ang presyo. Pagkatapos ng blessing ay nag-abot naman sa pari ang binata at sabi, "Father, for the Church." At ibinigay ng pari ang envelope sa secretary. Pagbukas ng envelope, ang laman ay 100 pesos lang. (laughs) 1.4 million, tapos 100 pesos lang ang ibinigay mo? Kung tayo ay manghingi sa Diyos, ang laki-laki, pero para sa simbahan, ang liit liit. Hindi ba tayo nahihiya niyan kay Lord?

Mga minamahal na kapatid kay Kristo, kung tayo po ay nagdarasal ay ibinibigay ng Diyos ang ating mga kahilingan, kung bukal sa kalooban natin at tapat tayo sa ating pagdarasal. Nais ng Diyos na marinig ang ating personal prayer, na tayo mismo ang nagdarasal, at hindi natin pinapa-asa sa ibang tao. 

Sa ating pagpapatuloy ng ating spiritual Lenten journey, harinawa ay matuto po tayong magdasal nang tama. Sa ating personal prayers, harinawa ay maging daan ito sa maayos na ugnayan natin sa Diyos at magdala sa atin tungo sa totohanang pagbabago at pagtutuwid ng ating buhay. Kung sa bawat panalangin ay may nababago sa ating buhay, tayo ay nasa tamang pagdarasal. Ngunit kung sa bawat panalangin o sa pagsisimba natin ay lalo tayong hindi nagiging mabuting tao, suriin din natin ang ating prayer o kung anong pananalangin mayroon tayo. 

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.