Saturday, January 26, 2013

Gospel Reflection



January 26, 2013
Saturday – Year of Faith
Memorial of Saint Timothy  and Titus, Bishops
by Rev. Fr. Paul Marquez (St. Paul Church and Seminary, Bagtikan Street, Makati)
12;15PM Mass at Sto. Nino de Paz Chapel, Greenbelt, Makati

                         
Reading 1 2 Tm 1:1-8

Paul, an Apostle of Christ Jesus by the will of God for the promise of life in Christ Jesus, to Timothy, my dear child: grace, mercy, and peace from God the Father and Christ Jesus our Lord.

I am grateful to God, whom I worship with a clear conscience as my ancestors did, as I remember you constantly in my prayers, night and day. I yearn to see you again, recalling your tears, so that I may be filled with joy, as I recall your sincere faith that first lived in your grandmother Lois and in your mother Eunice and that I am confident lives also in you.

For this reason, I remind you to stir into flame the gift of God that you have through the imposition of my hands. For God did not give us a spirit of cowardice but rather of power and love and self-control. So do not be ashamed of your testimony to our Lord, nor of me, a prisoner for his sake; but bear your share of hardship for the Gospel with the strength that comes from God.


Paul, a slave of God and Apostle of Jesus Christ for the sake of the faith of God’s chosen ones and the recognition of religious truth,
in the hope of eternal life  that God, who does not lie, promised before time began, who indeed at the proper time revealed his word in the proclamation with which I was entrusted by the command of God our savior, to Titus, my true child in our common faith: grace and peace from God the Father and Christ Jesus our savior.

For this reason I left you in Crete so that you might set right what remains to be done and appoint presbyters in every town, as I directed you.

Responsorial Psalm ps 96:1-2a, 2b-3, 7-8a, 10

R. (3) Proclaim God’s marvelous deeds to all the nations.
Sing to the LORD a new song;
sing to the LORD, all you lands.
Sing to the LORD; bless his name.
R. Proclaim God’s marvelous deeds to all the nations.
Announce his salvation, day after day.
Tell his glory among the nations;
among all peoples, his wondrous deeds.
R. Proclaim God’s marvelous deeds to all the nations.
Give to the LORD, you families of nations,
give to the LORD glory and praise;
give to the LORD the glory due his name!
R. Proclaim God’s marvelous deeds to all the nations.
Say among the nations: The LORD is king.
He has made the world firm, not to be moved;
he governs the peoples with equity.
R. Proclaim God’s marvelous deeds to all the nations.

Gospel Mk 3:20-21

Jesus came with his disciples into the house. Again the crowd gathered, making it impossible for them even to eat. When his relatives heard of this they set out to seize him, for they said, “He is out of his mind.”

HOMILY

Ang atin pong selebrasyon ngayon ay karugtong ng kapistahan kahapon, 'yong conversion po ni St. Paul the Apostle, na ipinagdiwang natin kahapon. Si St. Paul po, alam naman natin, ay may humigit kulang na isang daang kasama sa kanyang ministry. At may mga kasama po siyang mga kababaihan. Katulad ng binanggit kanina sa First Reading, kilala niya ang nanay ni St. Timothy na si Eunice, at ang kanyang lola ni si Lois. Kilala sila ni St. Paul, hindi lamang basta sa mukha, kundi personal na may ugnayan siya sa kanila. 

At ang ginamit na paraan ni St. Paul ay very personal na pagsusulat. Sabi nga po natin ay huwag magbabasa ng sulat nang may sulat. Pero iba ho dito sa simbahan. Pinapakialaman natin ang sulat ni St. Paul, nakalagay pa sa Bible. (laughs) 'Yon ho ang nabuhay sa Bible, labing tatlong sulat, at ang sabi po ay kundi man si San Pablo ang may akda, 'yon ay ang kanyang mga disipulos. 

Natatandaan ko po sa seminaryo, noong ako'y highschool, palaging pag may dumarating na sulat mula sa bahay - wala pa kasi hong Facebook noon - sasabihin ng Father Master, "May sulat ka, pero di ko muna ibibigay, mamaya na." Sa hapag kainan, ilalagay pa 'yon ni Father, ipapatong niya, ipapakita sa akin ang sulat ng Tatay ko. Pero hindi pa rin niya ibibigay 'yon, pagkatapos pa ng kainan. Hindi ka pwedeng magdikta, "Ibigay n'yo na sa 'kin, Father. Dali." Maghintay kayo kung kailan ibibigay sa inyo. Iyon ay bahagi ng disiplina. Kasi nga, sabi din sa First Reading, kailangang magkaroon ng 'pagpipigil sa sarili'. Hindi 'yong kung ano ang gusto mo, kukunin mo na kaagad. Pagpipigil sa sarili ang isa sa itinuro ni St. Paul sa kanyang anak na si Timothy.

Sabi ni St. Paul, "Anak-anakan ko itong si Timothy." Dalawa ang sulat niya kay Timothy. Nakasama po ni St. Paul si Timothy sa kanyang journey sa Corinth at sa Thessalonica. Doon po siya nag-serve sa Lystra na malapit sa Turkey ngayon. At si St. Timothy po ay binato hanggang sa siya ay mamatay. Si St. Titus naman ay doon sa Crete sa Greece naglingkod, sa panahon ng simula ng 'formal Church organization'. Doon po nabuo ang idea na kinakailangang may bishop sa isang lugar upang pamunuan at alagaan ang mga nasasakupan. Iniwan siya ni St. Paul sa Crete. 

Si St. Timothy at si St. Titus po ay hindi mga apostles, ngunit sila ay mga disciples. Sabi po sa Gospel ngayon, bukod sa labindalawang apostoles ni Hesus, humirang pa siya ng 72 disciples at malamang na doon po sila kabilang. Meron hong bahagi sa Bible noong panahon ni Moses, mayroon ho siyang ipinagdasal, lumukob ang Holy Spirit, sa 70 disciples. Pero sa labas ho ng tent, meron din doong nilukuban ng Holy Spirit na dalawa. Hindi sila kasali sa grupo - si Eldad at si Meldad. Kaya nga ho 'yon ang hudyat na ang pagliligtas ng Diyos ay hindi lamang para sa isang grupo. Hindi lamang para sa nasa loob ng tent kundi pati 'yong nasa labas. Ano ho ang kahulugan nito? Na ang pagliligtas ng Diyos ay para sa lahat. Hindi pwedeng sabihin ng mga taga-Israel, "Kami lang ang maliligtas." 

Ano ho ang sabi ni Hesus sa kanyang mga disciples? Huwag kayong magdadala ng lukbutan, kundi magtiwala kayo sa ibibigay ng Diyos, sa pamamagitan ng ibinibigay ng tao. Sabi Niya sa kanyang mga disipulo na huwag silang papalit-palit ng bahay, at kung ano ang ihain sa kanila, kainin nila. Kung ano ang ihain, matutong tumanggap. Huwag magde-demand. 

Ito ho ay napakahalagang paala-ala sa atin, ngayong taon ng pananampalataya, na tayong lahat ay isinasali ng Panginoong Hesus, bilang Kanyang mga alagad. We are His modern-day disciples. Isali na natin ang sarili natin sa 72 disciples. At sana, masabi rin sa atin na "sa tuwing naaala ko 'yang taong 'yan, I give thanks to God". Kagaya ng sinabi ni St. Paul kay Timothy na, "Alam mo anak, pag naalala kita, di maaaring hindi ako magpasalamat sa Diyos. I am drawn to prayer, kasi naalala ko 'yong maganda nating pinagsamahan. Naalala ko noong in-anoint kita to be a leader, at ibinigay sa iyo ng Panginoon ang spirit of discipline, spirit of courage, not the spirit of cowardice." Kasi ho batang-bata 'yong si Timothy tsaka si Titus. Mayroon hong tendency na 'yong mga nasasakupan nila ay memenos-menosin sila. Sasabihin sa kanila, 'Naku, mas magaling pa ako sa 'yo. Ikaw naman ay may gatas pa sa labi." Pero pinapalakas palagi ni St. Paul ang loob ni Timothy at Titus at ng kanyang mga disciples. Sinabi ni St. Paul sa kanila na kapag ang Espiritu na ang kumilos, you can marvel at what great lengths you can go, kasi hindi na ikaw 'yan, kundi ang Espiritu na ng Panginoon ang pumapatnubay sa atin.

Hilingin natin sa Panginoon na turuan Niya tayo, ipakita Niya sa atin kung papaano tayo maaaring maging tunay na mga tagasunod ng Panginoon. Tanggapin natin ang Holy Spirit sa ating buhay, nang sa gayon, kapag tayo'y titignan ng Panginoon, ang sasabihin Niya, "I cannot but give thanks." Amen. 

  


No comments:

Post a Comment