Sunday, January 20, 2013

Gospel Reflection



January 20, 2013
Second Sunday in Ordinary Time – Year of Faith 
by Most Rev. Bishop Honesto F. Ongtioco, D.D., (Bishop of Cubao)
6:00PM, Tagalog Sunday Anticipated Mass (Sto. Nino Fiesta High Mass)
Sto. Nino de Paz Chapel (Greenbelt Chapel), Makati
                         
Reading 1 Is 62:1-5

For Zion’s sake I will not be silent, for Jerusalem’s sake I will not be quiet, until her vindication shines forth like the dawn and her victory like a burning torch.

Nations shall behold your vindication, and all the kings your glory; you shall be called by a new name pronounced by the mouth of the LORD. You shall be a glorious crown in the hand of the LORD, a royal diadem held by your God. No more shall people call you “Forsaken, “ or your land “Desolate, “ but you shall be called “My Delight, “ and your land “Espoused.” For the LORD delights in you and makes your land his spouse. As a young man marries a virgin, your Builder shall marry you; and as a bridegroom rejoices in his bride so shall your God rejoice in you.

Responsorial Psalm Ps 96:1-2, 2-3, 7-8, 9-10

R. (3) Proclaim his marvelous deeds to all the nations.
Sing to the LORD a new song;
sing to the LORD, all you lands.
Sing to the LORD; bless his name.
R. Proclaim his marvelous deeds to all the nations.
Announce his salvation, day after day.
Tell his glory among the nations;
among all peoples, his wondrous deeds.
R. Proclaim his marvelous deeds to all the nations.
Give to the LORD, you families of nations,
give to the LORD glory and praise;
give to the LORD the glory due his name!
R. Proclaim his marvelous deeds to all the nations.
Worship the LORD in holy attire.
Tremble before him, all the earth;
Say among the nations: The LORD is king.
He governs the peoples with equity.
R. Proclaim his marvelous deeds to all the nations.

Reading 2 1 Cor 12:4-11

Brothers and sisters: There are different kinds of spiritual gifts but the same Spirit;  there are different forms of service but the same Lord; there are different workings but the same God who produces all of them in everyone. To each individual the manifestation of the Spirit is given for some benefit. To one is given through the Spirit the expression of wisdom; to another, the expression of knowledge according to the same Spirit; to another, faith by the same Spirit; to another, gifts of healing by the one Spirit; to another, mighty deeds; to another, prophecy; to another, discernment of spirits; to another, varieties of tongues; to another, interpretation of tongues. But one and the same Spirit produces all of these, distributing them individually to each person as he wishes.

Gospel Jn 2:1-11

There was a wedding at Cana in Galilee, and the mother of Jesus was there. Jesus and his disciples were also invited to the wedding. When the wine ran short, the mother of Jesus said to him, “They have no wine.” And Jesus said to her, “Woman, how does your concern affect me? My hour has not yet come.” His mother said to the servers, “Do whatever he tells you.” Now there were six stone water jars there for Jewish ceremonial washings, each holding twenty to thirty gallons. Jesus told them, “Fill the jars with water.” So they filled them to the brim. Then he told them, “Draw some out now and take it to the headwaiter.” So they took it.  And when the headwaiter tasted the water that had become wine, without knowing where it came from — although the servers who had drawn the water knew —, the headwaiter called the bridegroom and said to him, “Everyone serves good wine first, and then when people have drunk freely, an inferior one; but you have kept the good wine until now.” Jesus did this as the beginning of his signs at Cana in Galilee and so revealed his glory, and his disciples began to believe in him.

HOMILY

Maaari po bang ilagay natin ang ating kanang kamay sa ibabaw ng ating puso? Tayo po ay mananalangin nang sama-sama. Tayo po ay binubuhay ng Diyos sa kanyang pagmamahal dahil kung aalisin ng Diyos ang Kanyang kamay, mawawala po tayong parang bula. Kaya sumunod kayo sa ating panalangin.

Mapagmahal naming Ama, salamat po sa pagtitipong ito. Nagpapasalamat po kami sa maraming biyayang Iyong ipinagkaloob sa aming pamayanan. Sa 29 years po naming pagpipista sa Sto. Nino de Paz chapel, salamat po sa pagsugo sa Iyong anak. Siya ang liwanag ng aming buhay kung saan nababalot sa dilim ang mga tao. Maraming kadiliming bumabalot sa aming buhay, sa aming lipunan. Karahasan, kasalanan, kurakot, hindi tama, hindi matuwid na pamumuhay. Halina Hesus, halina. Hayaan Mo sanang tanglawan kami ng Inyong liwanag, upang magkaroon ng direksyon ang paglalakbay ng Iyong bayan, lalong lalo na sa taon ng pananampalataya.

Harinawa, laging bukas ang aming puso, ang aming damdamin sa Iyong palaging pagbibisita at hindi mabilang-bilang na biyaya at grasya na Iyong ipinagkakaloob. Kadalasan, kami ay bulag o kaya kami po ay tumatalikod sa Iyo. Tanging Ikaw lamang ang aming pag-asa, buhay at kaligtasan.

Isugo mo ang iyong Banal na Espiritu, upang muling umalab ang aming pananampalataya at ito ay makita sa aming kilos, desisyon, at sa mga mahahalagang bagay. Naway maging maka-Diyos ang lahat ng aming gawain. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

--------------------------------

(sa masiglang pananalita) Isang maganda at mabiyayang gabi po sa inyong lahat. Batiin natin 'yong katabi ninyo, "Happy Fiesta!" (sumunod ang lahat) Sa pagsasalita ng Diyos, makinig ka, hindi lamang sa iyong mga tenga, ngunit lalo na sa iyong puso. Tingnan natin ang ating katabi at sabihin natin, "Sana, huwag ka munang kunin ni Lord." (tawanan)

Meron pa tayong misyon kaya narito tayo. Muli nating kinikilala ang kapistahan ng ating Sto. Nino, ang ating ipinagdiriwang. Tanging sa Pilipinas lamang po ito, na may extension ang ating pagse-celebrate o pagdiriwang ng Pasko. Maraming simbahan halos tinanggal na 'yong mga Christmas decor dahil po noong isang Linggo, kapistahan na po ng the Lord's Baptism, and then after that, we go into Ordinary Time. Kaya lang po, we have a special permission from Rome. The third Sunday is the Feast of the Sto. Nino.

At marami na tayong kapistahan na ipinagdiriwang. Nais ng Diyos na lumago ang ating pananampalataya, ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos. Kung minsan hindi malalim. Kamakailan lang, noong January 9 ay ating ipinagdiwang ang kapistahan ng....hello?....ng Nazareno. May iba't ibang manifestation at pagpapahayag ng pananampalataya ang mga tao, pero minsan, nakikitang hindi pa masyadong hinog, hindi pa masyadong malalim.

Gano'n din po sa kapistahan ng Sto. Nino ngayon at bukas. Makikita n'yo 'yong iba't ibang bihis ng Sto. Nino. Minsan naka-basketball attire siya. Kung minsan, nagpunta po ako sa barbero, maski di po kayo maniwala (itataas ang sumbrero para makita ang ulong kalbo na sa ibabaw) ay nagpapagupit po ako (tawanan), ay marami kang makikitang bihis ng Sto. Nino. Iniingatan natin ang ating mga Sto. Nino, parang ginagawang baby ng ibang tao. So medyo hindi pa malalim. Sabi natin, sana hindi panlabas 'yong pagdiriwang, 'yong pagpapahalaga sa Sto. Nino. Dahil narinig po natin sa Ebanghelyo na ang ating Panginoon ay naging sanggol, naging bata, naging binata, at noong hinog na ang Kanyang kaisipan at pagkatao, dumating na ang punto na doon nagsimula ang Kanyang misyon na Kanyang tinupad noong Siya ay, more or less, tatlumpong taong gulang, ano po?
 
 
So nais kong magsimula sa isang kwento. Noong minsan, mayroong isang pari na na-assign po sa isang maliit na bayan. At sa kanyang bagong assignment, napansin niya na 'yong mga tao ay hindi masyadong kilala ang kanilang mahal na patron. Kaya naisipan niyang mag-organize ng prusisyon, para makita ng mga tao sa kanilang parokya 'yong kanilang mahal na patron.

So, sa first year ay hindi maraming dumating. Second year, nadagdagan nang kaunti. Pero habang nagpuprusisyon ang mga tao, may napansin, biglang doon sa likod ng karosa, ay may sumamang aso, na nakatawag-pansin sa mga tao. "Wow, may asong kasunod ang karosa." Sa susunod na taon, naku 'yong mga tao nakipag-prusisyon, kasama ang kanilang mga aso. 'Yong iba, binihisan pa.

Mga kapatid, ano ang punto ng kwentong ito? Nawala ang essence, nawala ang puso ng debosyon o kapistahan upang makilala sana ang patron. Napunta sa aso ang atensiyon. Ganoon din sa ating mga debosyon sa iba't ibang santo, lalo na sa Sto. Nino. Baka mauwi sa panlabas lamang po, ano. Huwag nating kalimutan na ito ay isang hamon sa atin...itong pagpipista. Kapag tayo ay may debosyon, isang hamon ito na tularan natin itong ating pinaparangalan. At sa ating kapistahan ngayon, pinaparangalan natin ang batang si Hesus.

Narinig nga natin ang buhay ni Hesus, mula noong Siya ay bata hanggang sa Siya ay napako sa Krus. Isa sa mga mahalagang katangian ni Hesus ay Siya po ay....masunurin. Siya po ay mababa ang loob. Bata man Siya o tumanda, pareho pa rin. Kahit na Diyos, Siya ay nagpakumbaba, upang ang parusang nararapat sa atin na kamatayan ay hindi mapasa-atin, kundi mapasa-Kanya, upang mapalaya tayo sa ating mga kasalanan, sa parusa at kamatayan. Ganyan din dapat ang ating kababaan, ang ating pagkatao. Tularan natin si Hesus, tularan natin ang Kanyang kabanalan, tularan natin ang Kanyang kababaang-loob.

Nais ko pong bigyan natin nang pansin ang tatlong K, ano po? Una, 'yong kababaang-loob. Pangalawa, kabutihan. Pangatlo, kabanalan. 


Ang una po ay kababaang-loob. Alam n'yo, dapat tumulad tayo sa mga bata. Mababa ang kanilang loob. Kung minsan, magagalit sa ngayon, magtatampo sa ngayon, i-distract mo lang, after one minute, nakalimutan na, diba? Kanina umiiyak, tapos maya-maya nakatawa na, ngumingiti na. Kung sakaling nagtampo sa inyo, nakalimutan na 'yon.

Pero ikaw? Marahil hindi ka pa nakipagkasundo sa kapitbahay o sa kapatid mo. Baka tatlong na, limang taon na, inaalagaan mo pa ang galit mo.

'Yong bata, kapag tinignan ka, hindi tinatanong - Doktor ka ba? Ikaw ba ay engineer? Ikaw ba'y presidente, barangay captain? Hindi. Sa bata, pare-pareho ang kanyang mga kausap. Wala sa suot, wala sa pinag-aralan, wala sa talino ang kanyang pagtingin. Lagi siyang nakangiti, gumagalang at handang kumilala. Sana, ganoon po ang ating disposisyon sa harap ng Diyos. Laging may kababaang-loob. Gano'n din sa ating kapwa tao.

Kung minsan, 'yon, nagpapaligsahan kapag medyo gurang na ang mga tao. Kung minsan, nangyayari din yan sa mga parokya, diba? Kung minsan ang isang tao, akala niya, sa kanya lahat ng leadership, 'yong mga bright ideas. Kaya pag hindi ninyo siya sinali o kaya ay pinalitan, nagtatampo. Kasi iniisip niya, pag nawala siya, hindi aandar ang parokya. Kapag ganoon ang pag-iisip, alam nyo 'yong taong 'yon, matatawag nating 'special child'. (tawanan) Kaya dapat mababa ang loob natin. Kung lahat ng kakayahan, biyaya ay talino ay ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, 'yon ay isang handog na regalo para sa iyo. Wala kang maaaring ipagyabang. Lahat ay biyaya na galing sa Diyos. 

Ako po ay nag-celebrate ng aking 40th anniversary as a priest noong December 8. Ang 40 years ko po serving the people in the church, in my priestly ministry, hindi po ito dahil sa aking sariling kakayahan, kundi dahil po ito sa awa, sa pagmamahal ng Diyos. Kaya po nakatagal ako at patuloy na naglilingkod. 

So wala tayong maaaring ipagyabang sa ating buhay. Ito ang muling pinapa-alala sa atin ng Panginoon. Si Hesus, kahit na Siya ay Diyos, nagpakumbaba. Inangkin pa Niya ang ating kalagayan upang palitan. Siya ay bumaba upang tayo ay itaas. Ang Diyos naging tao, upang ang tao ay maging maka-Diyos.

'Yon po ang pangarap sa atin ng Diyos. At iyon po ang sinasabi sa atin ng Ikalawang Pagbasa na sulat ni San Pablo sa mga taga....hello? Epheso. Talagang nakikinig kayo at hindi natutulog. Ito ang kalooban ng Diyos - ang inyong kabanalan, ang inyong kababaang-loob, ang inyong paglago sa pananampalataya. Napaka-timely nitong ating pagdiriwang. Nais ng Diyos nitong Year of Faith, na lumago ang ating pananampalataya, ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos. Hindi po sapat na tayo ay nagsisimba. Ok that is important, tayo ay nagdarasal, may debosyon. Ngunit sana ay suriin din natin ang ating mga sarili, ang ating kilos, pakikipag-ugnayan sa iba. Saang bahagi ng buhay ko ang nais kong lumago, tulad ng Diyos? Kababaang-loob.


Ikalawa, kabutihan. Kung magbabasa ka ng diyaryo....kung minsan ayaw n'yo nang magbasa di ba? 'Yong mga nire-report sa diyaryo, puro karahasan, puro murder, puro nakawan, mga ganoon po, nakakapanghina. Pero kaya nga mayroon tayong tinatawag na Mabuting Balita. Galing kay Hesus. Si Hesus ang ating pag-asa. Ipinangako niya, Hindi Niya tayo pababayaan. Kasama natin Siya sa ating paglalakbay, kasama natin Siya sa ating mga tiisin, kasama natin Siya sa ating mga pangarap sa buhay. Kaya kapag tayo ay marunong umibig at magmahal sa Diyos, ano ang ibig sabihin noon? Ginagawa natin ang Kanyang kalooban. Tinutularan natin si Hesus sa ating pamumuhay. Para ang gayong kabutihan ay masalamin sa ating buhay. Ito ang pinagsikapan ni San Pablo. Sabi nga niya, sa pagsisikap niya, dumating ang puntong hindi na siya ang nabubuhay sa kanyang sarili, kundi ang Panginoong Hesukristo.

'Yon pong kabutihan at kagandahang loob, kapag ito ay inalagaan natin, magbubunga ng marami pang biyaya. Noong Habagat, ang ibang parokya namin, apektado po sa baha. At sa isang parokya po sa Roxas district, nandoon si Father Jojo, may nakiusap na tao. "Father," sabi niya, "yon pong bahay namin, bahang baha. Pwede po bang pansamantala sa simbahan muna po kami." "Aba, oo", sabi naman ni Father Jojo. "Ilan ba kayo para maihanda ang pagkain?" "120 po siguro." So naghanda si Father Jojo. After one hour, dumating ang mga tao, 1,200. (tawanan) Ano ho ang nangyari? Text, text, text, different parishes. Sa loob ng isang oras o mahigit, nagkaroon ng pagkain ang isang libo't dalawang daang tao, sumobra pa. (palakpakan)

Kabutihan. Kapag ito'y pinasa natin, ibinahagi sa ibang tao, babalik at babalik sa 'yo nang isang daang ibayo. Hindi matatalo, hindi matatawaran, ang kagandahang-loob ng Diyos, ang Kanyang kabutihan. Ito ang ating walang sawang ipinagdiriwang sa banal na misa. Ang walang sukat at hindi matawarang pagmamahal ng Diyos, ang kabutihan ng Diyos.


Pagkatapos ng kababaang-loob, ng kabutihan, ang pangatlo ay ang....kabanalan. Nais ng Diyos na maging ganap tayo sa Kanya. Ayaw ng Diyos ang kalahati lang, na nahahati ang ating sarili na inaalay natin sa Kanya. Gusto Niya, buong buo. Katulad ng mag-asawa, kapag may kaparte ang isa sa mga partner, naku, mag-aaway iyan, at hindi masaya 'yong mag-asawa. Gano'n din ang pakiki-isa sa Diyos. Upang tayo ay maging ganap, sana po ay pagsikapan nating tularan natin ang Panginoon sa iba't ibang paraan. Sa ating pag-iisip, sa ating pananalita, sa ating pagkilos, sana may pagbabago, may pag-unlad. At tiyak tayo ay maraming biyaya at pagpapala na isusukli ng Diyos sa atin.

Ito ang pangako ng batang si Hesus. The more you honor Him, the more He will bless you. Maraming ipapaalam sa atin ang ating Panginoong Hesus kapag Siya ay ating tinutularan. Harinawa, ang ating pakikinig ngayong gabi ay magbigay sa atin ng panibagong lakas, panibagong pagsisikap, upang matularan si Hesus sa kababaang-loob, kabutihan at kabanalan. Amen. 




No comments:

Post a Comment