December 16, 2012
Third Sunday of Advent – Year of Faith
First Day – Misa de Gallo
by Rev. Fr. Benjo Fajota (Vice Rector of the EDSA Shrine)
Mass at Shrine of Mary, Queen of Peace (Our Lady of EDSA)
Reading 1 Zep 3:14-18a
Shout for joy, O daughter Zion! Sing joyfully, O Israel! Be glad and exult with all your heart, O daughter Jerusalem! The LORD has removed the judgment against you he has turned away your enemies; the King of Israel, the LORD, is in your midst, you have no further misfortune to fear. On that day, it shall be said to Jerusalem: Fear not, O Zion, be not discouraged! The LORD, your God, is in your midst, a mighty savior; he will rejoice over you with gladness, and renew you in his love, he will sing joyfully because of you, as one sings at festivals.
Responsorial Psalm Is 12:2-3, 4, 5-6.
R. (6) Cry out with joy and gladness: for among you is the great and Holy One of Israel.
God indeed is my savior;
I am confident and unafraid.
My strength and my courage is the LORD,
and he has been my savior.
With joy you will draw water
at the fountain of salvation.
R. Cry out with joy and gladness: for among you is the great and Holy One of Israel.
Give thanks to the LORD, acclaim his name;
among the nations make known his deeds,
proclaim how exalted is his name.
R. Cry out with joy and gladness: for among you is the great and Holy One of Israel.
Sing praise to the LORD for his glorious achievement;
let this be known throughout all the earth.
Shout with exultation, O city of Zion,
for great in your midst
is the Holy One of Israel!
R. Cry out with joy and gladness: for among you is the great and Holy One of Israel.
God indeed is my savior;
I am confident and unafraid.
My strength and my courage is the LORD,
and he has been my savior.
With joy you will draw water
at the fountain of salvation.
R. Cry out with joy and gladness: for among you is the great and Holy One of Israel.
Give thanks to the LORD, acclaim his name;
among the nations make known his deeds,
proclaim how exalted is his name.
R. Cry out with joy and gladness: for among you is the great and Holy One of Israel.
Sing praise to the LORD for his glorious achievement;
let this be known throughout all the earth.
Shout with exultation, O city of Zion,
for great in your midst
is the Holy One of Israel!
R. Cry out with joy and gladness: for among you is the great and Holy One of Israel.
Reading 2 Phil 4:4-7
Brothers and sisters: Rejoice in the Lord always. I shall say it again: rejoice! Your kindness should be known to all. The Lord is near. Have no anxiety at all, but in everything, by prayer and petition, with thanksgiving, make your requests known to God. Then the peace of God that surpasses all understanding will guard your hearts and minds in Christ Jesus.
Gospel Lk 3:10-18
The crowds asked John the Baptist, "What should we do?" He said to them in reply, "Whoever has two cloaks should share with the person who has none. And whoever has food should do likewise." Even tax collectors came to be baptized and they said to him, "Teacher, what should we do?" He answered them, "Stop collecting more than what is prescribed." Soldiers also asked him, "And what is it that we should do?" He told them, "Do not practice extortion, do not falsely accuse anyone, and be satisfied with your wages."
Now the people were filled with expectation, and all were asking in their hearts whether John might be the Christ. John answered them all, saying, "I am baptizing you with water, but one mightier than I is coming. I am not worthy to loosen the thongs of his sandals. He will baptize you with the Holy Spirit and fire. His winnowing fan is in his hand to clear his threshing floor and to gather the wheat into his barn, but the chaff he will burn with unquenchable fire." Exhorting them in many other ways, he preached good news to the people.
Now the people were filled with expectation, and all were asking in their hearts whether John might be the Christ. John answered them all, saying, "I am baptizing you with water, but one mightier than I is coming. I am not worthy to loosen the thongs of his sandals. He will baptize you with the Holy Spirit and fire. His winnowing fan is in his hand to clear his threshing floor and to gather the wheat into his barn, but the chaff he will burn with unquenchable fire." Exhorting them in many other ways, he preached good news to the people.
HOMILY
Ngayong ikatlong linggo ng Adviento, ang narinig po natin sa ating mga pagbasa ay 'magalak kayo'. Gaudete Sunday po ang tawag sa third Sunday of Advent, kaya sinasabing 'gaudeamus igitur', therefore, let us rejoice.
Tingnan nyo nga ang mga katabi ninyo, kung may kagalakan sa kanilang mga mukha. Eh bakit parang Biyernes Santo ang ating mga hitsura (laughs)? Nagagalak at ipinahayag ang Mabuting Balita. Nakikita ba sa atin, o ang mas magandang tanong, nadarama ba natin ang kagalakan sa ating puso?
Mayroon pong isang pari, tinanong niya 'yong mga bata sa kanyang parokya. Sinabi niya, "Ikatlong linggo na ngayon ng Adviento, malapit na Siyang dumating. Kilala ba ninyo kung sino ang darating?" At sabay-sabay sumagot ang mga bata, "Si Santa Claus po." (laughs) Kung mga bata ang sumagot noon, cute. Pero pag kayong mga adult na ang sumagot noon, nakakaawa, nakakahiya. Hindi ba natin alam kung sino ang darating at paano natin Siyang pinaghahandaan sa kanyang pagdating?
Kadalasan po ay baka nauubos na ang ating panahon, ang ating pera, ang ating energy at effort, sa kabibili ng mga kung anu-ano na sa palagay natin ay makakapagpaligaya sa atin at sa ating mga mahal sa buhay. May kanya-kanya tayong listahan kung ano ang ating gusto. Nabanggit ko nga po last Sunday iyong nabasa ko sa isang pahayagan na limang bagay na gustong matanggap ng mga tao ngayong Pasko. Number one ang mga gadgets, laptops, cellphones, cameras. Sumunod ang sapatos, damit, travel abroad, books and money. Nakakaawa. Nakakalimutan na natin - ano ba talaga ang tunay na paghahanda?
Kaya dito sa Ebanghelyo, narinig natin, tinanong ng mga alagad si Juan Bautista, "Ano po ang dapat naming gawin?" At napakasimple ng sinabi ni Juan Bautista. 'Kung mayroon kang dalawang baro, ibigay mo ang isa. Kung mayroon kang sobrang pagkain, ibahagi mo.' At sa mga tax collectors, huwag kayong sisingil nang higit pa sa dapat. At 'yong mga sundalo, pinagsabihan niya, huwag kayong mangingikil o magpilit na humingi ng pera.
Sinasabing magalak na tayo, magdiwang na tayo dahil nalalapit na ang pagdating ng ating Manunubos. Ngunit paano ba tayo dapat magalak? Ako po ay magbibigay ng tatlong mungkahi.
Una, let us pray again. Manalangin tayo. Nagbibigay ba tayo nang at least 15 minutes a day, para makausap ang ating Panginoon? Tumatahimik ba tayo? Pumupunta ba tayo sa isang lugar o private place na tayo lang ang makikipag-usap sa Diyos nang walang abala, nang walang cell phone na sasagutin mo agad at parang mas mahalaga pa kaysa sa pakikipag-usap mo sa Panginoon? Ang suggestion ko, pumunta kayo sa isang tahimik na lugar sa inyong bahay, magdala kayo ng kandila, sindihan ninyo, maglagay kayo ng crucifix, at buksan ninyo ang inyong Bibliya. Kahit once a year ay buksan natin ang Bibliya. Magdasal tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang salita. At magugulat tayo, habang kinakausap natin ang Diyos, 'yong 15 minutes, baka umabot pa ng isang oras.
Ang susunod pong tanong ay - ano po ang ating ipapanalangin? Una, magpasalamat tayo sa lahat ng biyayang dumarating sa atin. Ang binibilang kasi natin kadalasan ay kung ano ang wala sa atin at kung ano ang mayroon ang iba. Let us start counting our blessings, and be thankful, grateful for all of them. Ilista natin ang lahat ng iyon. Nakakakita ako, nakakagalaw ako nang normal, nakakapagsalita ako, nakakalakad ako, kumpleto ang kamay at paa ko. Hindi po ba dapat ipagpasalamat iyon? Paggising natin sa umaga, ang dami dami nating biyayang tinatanggap, pero binabalewala natin iyon. A lot of times, we take for granted the blessings that we receive, or we totally ignore them. At binibigyan natin ng pansin 'naku, bago na naman ang kotse ng kapitbahay ko, bago na naman ang kanilang refrigerator, may dineliver na namang bagong kasangkapan sa kanila'. A thankful heart, is a joyful heart. Ang taong marunong magpasalamat, ay may kagalakan sa kanyang puso.
Ikalawang ipapanalangin natin ay lahat ng ating mga pagkakamali. Tignan natin, suriin natin, usigin natin ang ating mga konsiyensiya. Ano ang ating mga kasalanan, ano ang ating mga kahinaan? Huwag tayong naka-focus sa pagkakamali ng ibang tao. Makikita ninyo, pag binigyan ninyo ng atensiyon ang inyong mga kamalian, pagkukulang at kahinaan, wala na kayong panahong makita ang kahinaan at pagkakamali ng ibang tao, dahil sa sarili pa lang natin ay madami na.
Ikalawa, balikan natin ang ating pamilya. Buuin nating muli ang ating pamilya. Palakasin nating muli ang pakikipag-ugnayan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Marami pong pwersa na talagang pilit na tinatapon na ang halaga ng pamilya. Pinagkakawatak-watak ang mag-asawa. Sinasabi, pag hindi ka na mahal ng asawa mo, pag mayroon na siyang ibang kinakasama, hiwalayan mo na siya. Pag masyadong makulit ang mga magulang mo, huwag mo silang sundin, magrebelde ka.
Sa hapag-kainan ay pagkakataon po nating makipagbalitaktakan at makipag-bonding sa ating mga magulang, sa ating mga anak, sa ating pamilya. Mayroon pa ho ba tayong oras na kumain nang sabay-sabay? Tayo bang mga magulang ay may panahon pang mangaral o magturo sa ating mga anak? O ang bahay natin ay parang boarding house -may pagkain sa lamesa, kakain kung sino ang nariyan, at kung wala naman ay ok lang? Mas gusto na nakaharap sa TV, sa cellphone, kaya nagkakasama man sa lamesa, pindot dito, pindot doon.
Balikan po natin ang ating pamilya at balikan ang ating pakikipag-ugnayan sa kanila. Kapag malakas po ang ating pamilya, malakas ang ating lipunan. Mayroong isang sociologist ang nagsabing, "What is happening in the society, is a mirror of what is happening in the family." Kung may pagkakawatak-watak sa lipunan, ay dahil ganoon din ang nangyayari sa pamilya - mayroong awayan, bangayan, pag-iinggitan. Let us go back to the roots of our most basic unit of society, and that is the family.
At ang ikatlo, narinig natin sa Ebanghelyo, sinabi ni Juan Bautista, 'kung mayroon kayong dalawang baro, ipamahagi mo ang isa'. Kaya't ang ating pong panawagan, ang ating pong gagawin, let us count our blessings and count the times that we have been so richly blessed. At kaya kayo biniyayaan ay upang ibahagi ito sa ibang tao. The blessings that you receive are not for you alone, but to be shared to others. You are mere stewards of those riches, of those blessings.
No comments:
Post a Comment