Saturday, November 17, 2012

Gospel Reflection



November 17, 2012
Saturday – Weekday – Year of Faith
Memorial Saint Elizabeth of Hungary – Religious
by Rev. Fr. Paul Marquez (St. Paul Church and Seminary, Bagtikan Street, Makati)
Lunch Mass at Sto. Nino de Paz Chapel, Greenbelt, Makati


Reading 1 3 Jn 5-8

Beloved, you are faithful in all you do for the brothers and sisters, especially for strangers; they have testified to your love before the Church. Please help them in a way worthy of God to continue their journey. For they have set out for the sake of the Name and are accepting nothing from the pagans. Therefore, we ought to support such persons, so that we may be co-workers in the truth.

Responsorial Psalm Ps 112:1-2, 3-4, 5-6

R. Blessed the man who fears the Lord.
or:
R. Alleluia.
Blessed the man who fears the LORD,
who greatly delights in his commands.
His posterity shall be mighty upon the earth;
the upright generation shall be blessed.
R. Blessed the man who fears the Lord.
or:
R. Alleluia.
Wealth and riches shall be in his house;
his generosity shall endure forever.
Light shines through the darkness for the upright;
he is gracious and merciful and just.
R. Blessed the man who fears the Lord.
or:
R. Alleluia.
Well for the man who is gracious and lends,
who conducts his affairs with justice;
He shall never be moved;
the just one shall be in everlasting remembrance.
R. Blessed the man who fears the Lord.
or:
R. Alleluia.

Gospel Lk 18:1-8

Jesus told his disciples a parable about the necessity for them to pray always without becoming weary. He said, "There was a judge in a certain town who neither feared God nor respected any human being. And a widow in that town used to come to him and say, 'Render a just decision for me against my adversary.' For a long time the judge was unwilling, but eventually he thought, 'While it is true that I neither fear God nor respect any human being, because this widow keeps bothering me I shall deliver a just decision for her lest she finally come and strike me.'" The Lord said, "Pay attention to what the dishonest judge says. Will not God then secure the rights of his chosen ones who call out to him day and night? Will he be slow to answer them? I tell you, he will see to it that justice is done for them speedily. But when the Son of Man comes, will he find faith on earth?"


HOMILY

Ang mga balo, mga bata, at mga dayuhan ay tinatawag pong mga kawawa sa panahon ni Hesus. Kaya po napakahigpit ng bilin sa kanila, na kailangan silang tulungan. Napakinggan po natin sa Unang Pagbasa 'yong liham ni San Juan kay Gaius. Si Gaius po ay tumutulong sa mga misyonero. Ang mga misyonero ay itinuturing na isa rin sa mga dukha ng Panginoon. Nabalitaan ito ni St. John kaya ine-encourage niya si Gaius sa pagtulong. Sabi ni St. John, mabuting bagay 'yan kaya't ituloy mo ang iyong magandang sinimulan. Kasi kawawa ang mga misyonero na yan sapagkat lumalapit sila sa mga pagano na hindi naman naniniwala sa Diyos. Natural na hindi naman magbibigay ng tulong ang mga 'yon. Kaya't walang ibang aasahan ang mga misyonero kundi tayong mga naniniwala sa Diyos.

Sa Ebanghelyo naman po ay napakinggan natin ang kwento ng isang kaawa-awang biyuda. Hindi po nabanggit kung mayroon siyang mga anak. Ang mga biyuda ay parang nagiging basahan, oras na yumao na ang kanilang mga asawa. Mayroon din hong isang biyuda ngayon sa ating pagdiriwang - si St. Elizabeth of Hungary. Siya ay asawa po ng haring si King Louis VI. Mayroon silang tatlong anak. Ngunit nabiyuda si St. Elizabeth at nang siya ay nabiyuda, ginugol niya ang kanyang buhay sa pagtulong sa mga mahihirap at mga may sakit. Kaya nga siya itinuturing na patrona ng Catholic mission. Siya rin ho ay naging mentor ng Third Order ng mga Franciscano kaya't patron saint din siya ng Franciscan Third Order. Bagamat may kaya siya sa buhay, binitiwan ni St. Elizabeth ang lahat ng kanyang karapatan sa kanyang kayamanan at pinamahagi niya sa mga dukha.

'Yon hong ating biyuda sa Ebanghelyo ay napakalaki ng problema. Kinakailangan po niya ng hustisya kaya't pabalik-balik siya sa hukom. At ang sabi ng hukom, siya ay hindi natatakot sa Diyos kaya't wala din siyang kinakatakutang tao. Ngunit dahil sa sobrang pangungulit ng biyuda, ibinigay din ng hukom ang hustisya na nararapat para sa biyuda. Kaya sinasabi sa Ebanghelyo na kung ang hukom na ito na walang paniniwala sa Diyos ay kayang ibigay ang isang bagay na mabuti, ang Diyos pa kaya? Ang Diyos na siyang pinakamalaking biyaya natin at pinagmumulan ng lahat ng biyaya natin sa buhay?

Ipinapahayag po sa Ebanghelyo natin ngayon ang ating pangangailangan sa pagdarasal. Kinakailangan nating patuloy na magdasal at huwag manghinawa sa pagdarasal. Alam nyo po noong kami ay nasa seminaryo, may mga panahong napakahirap magdasal lalo na kung wala kang gana. Lalo na pag inaantok ka. Naalala ko po noong ako ay nasa seminaryo pa, sa amin pong Holy Hour isang oras po yon pag gabi, ako ho ay nakaupo sa pew. Ako po ay lumuhod, at pagluhod ko, ako ay napapikit at di ko namalayan na ako pala ay naghihilik na sa harap ng Blessed Sacrament. (laughs) Kamukat-mukat po ay bigla po akong sumalampak sa silya at nagkagulo po ang mga kasama ko, ako ay binuhat. Ang sumunod ko pong natatandaan ay nakaka-amoy na ako ng parang ammonia. 'Yon po pala ay sobra ang antok ko. Kasi nga po pag estudiyante kayo, kadalasan ay napupuyat kayo sa pagbabasa, sa pagre-review.

Ngunit ngayon ko ho na-realize ang kahalagahan ng schedule o structure sa seminaryo. Kung gusto ho talaga nating magkaroon ng habit sa pagdarasal, kinakailangan talagang tutukan natin ang ating sarili. Kailangan talagang may pagsisimulang mangyari. Ngayong ako po ay pari na, napakahirap pong mag-survive kundi tayo magdarasal. Minsan dumarating 'yong pagkakataon na iniisip ko, tutal naman kagagaling ko lang sa misa sa Greenbelt, bakit pa ako magdarasal mamayang gabi? Di ba the mass is the highest form of prayer? Minsan pwede tayong mamilosopo. Pero alam ninyo, hindi ho sapat 'yon. Kailangan din tayong humarap sa Diyos, at manahimik, kung saan hindi na tayo ang magsasalita kundi ang Diyos, at wala tayong gagawin kundi makinig.
 
 
Ako po ay natutuwa kapag nakikita ko kayong nagsisimba. Apektado din po ng pananampalataya ninyo ang pananampalataya ko, lalo na kung nakikita ko kayong nagdarasal, kahit tapos na ang misa, at tahimik na nakikinig sa Diyos o naghahanda upang humingi ng tawad sa Diyos. Huwag ninyong isipin na ang pagpasyal pasyal ninyo dito sa chapel ay walang halaga. Napakalaki ho niyan, sigurado ho hindi lamang po para sa akin kundi para sa ating lahat na naririto. Tayong lahat ay nagtutulungan na tumibay at lumago sa ating pananampalataya.

'Yon nga po ang sabi ni St. John kay Gaius. Ang pananampalataya ay talagang hindi dapat sa iyo lang. Matuto kang mag-misyon at tumulong sa mga lumalapit sa iyo. Ating pagtibayin at palakasin ang pananampalataya ng bawat isa. Ipagpatuloy po natin ang magandang gawaing ito at hilingin po natin sa Panginoon na sana'y patuloy tayong maging matatag sa paglapit at pakikinig sa kanya, Amen. 


Saint Elizabeth – Pray for us

You may also want to see: A Holy Life - Saint Elizabeth of Hungary

No comments:

Post a Comment