Thursday, September 12, 2013

Gospel Reflection



September 12, 2013
Thursday – Year of Faith – Ordinary Time
by Rev. Fr. David "Dave" T. Concepcion
(Spiritual Director, Holy Apostles Senior Seminary, San Carlos Pastoral Formation Center, Guadalupe, Makati City)
5:30PM Mass, Sto. Nino de Paz Chapel, Greenbelt, Makati

Reading 1 Col 3:12-17

Brothers and sisters: Put on, as God’s chosen ones, holy and beloved, heartfelt compassion, kindness, humility, gentleness, and patience, bearing with one another and forgiving one another, if one has a grievance against another; as the Lord has forgiven you, so must you also do. And over all these put on love, that is, the bond of perfection. And let the peace of Christ control your hearts, the peace into which you were also called in one Body. And be thankful. Let the word of Christ dwell in you richly, as in all wisdom you teach and admonish one another, singing psalms, hymns, and spiritual songs with gratitude in your hearts to God. And whatever you do, in word or in deed, do everything in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God the Father through him.

Responsorial Psalm Ps 150:1b-2, 3-4, 5-6

R. (6) Let everything that breathes praise the Lord!
Praise the LORD in his sanctuary,
praise him in the firmament of his strength.
Praise him for his mighty deeds,
praise him for his sovereign majesty.
R. Let everything that breathes praise the Lord!
Praise him with the blast of the trumpet,
praise him with lyre and harp,
Praise him with timbrel and dance,
praise him with strings and pipe.
R. Let everything that breathes praise the Lord!
Praise him with sounding cymbals,
praise him with clanging cymbals.
Let everything that has breath
praise the LORD! Alleluia.
R. Let everything that breathes praise the Lord!

Gospel Lk 6:27-38

Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on one cheek, offer the other one as well, and from the person who takes your cloak, do not withhold even your tunic. Give to everyone who asks of you, and from the one who takes what is yours do not demand it back. Do to others as you would have them do to you. For if you love those who love you, what credit is that to you? Even sinners love those who love them. And if you do good to those who do good to you, what credit is that to you? Even sinners do the same. If you lend money to those from whom you expect repayment, what credit is that to you? Even sinners lend to sinners, and get back the same amount.  But rather, love your enemies and do good to them, and lend expecting nothing back; then your reward will be great and you will be children of the Most High, for he himself is kind to the ungrateful and the wicked. Be merciful, just as also your Father is merciful.

“Stop judging and you will not be judged. Stop condemning and you will not be condemned. Forgive and you will be forgiven. Give and gifts will be given to you; a good measure, packed together, shaken down, and overflowing, will be poured into your lap. For the measure with which you measure will in return be measured out to you.”

HOMILY

If you really want to embrace the Gospel for today, you know that it is difficult. Maybe not only difficult; it is something insane. (laughs) 

Ang katuruan ng matatanda ay pag kayo'y binato ng bato, batuhin ninyo ng tinapay. Lumaki ho ako sa ganoong katuruan, kaya ipina-practice ko, ano po. Palagi akong napupunta sa Principal's office kasi ginagawa ko 'yon. Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Pero sinasama ko ho 'yong garapon (laughs) kaya sa Principal's office po ako lagi pinapatawag.

Bakit? Kasi pag kayo'y nagpa-api o hindi kayo lumaban sa mundong ito, lalo kayong aapihin, hindi po ba? Pag kayo'y nagpaloko at wala kayong ginagawa, palagi kayong lolokohin. Kaya sabi nila, meron lang nangbu-bully, kasi merong nagpapa-bully.  
Pero magandang pagtuunan ng pansin, mga minamahal na mga kapatid, na ang panuntunan ng ating Ebanghelyo ay nasusulat sa Unang Pagbasa. Ang sabi po sa Unang Pagbasa, 'Put on, as God's chosen ones, holy and beloved, heartfelt compassion, kindness, humility, gentleness and patience, bearing with one another, and forgiving one another'. Pwede lang kayong magbigay, pwede lang kayong magpatawad, pwede lang kayong magtiis o magpasensiya, pag ang kalooban ninyo ay may pagmamahal sa taong sabi nga'y nang-aapi sa inyo. 

Maraming beses ko po itong sinasabi - hindi lahat ng nagtiis nagmahal, pero 'yong mga nagmamahal, marunong silang magtiis. Bakit ba kayang magtiis ng magulang sa anak na matitigas ang ulo? Kasi merong pagmamahal. Bakit ba nagtitiis 'yong mga asawa sa mga asawa nila? Hindi ho martir 'yan, kundi meron pang natitirang pagmamahal. Pero pag nawala na ang pagmamahal, subukan ninyo. Subukan ninyong manloko sa isang taong wala nang pagmamahal, baka hindi lang garapon ang ibato sa inyo pabalik. 
Maganda pong pagtuunan ng pansin ito. Ang malaking problema ay ano? Ni sa sarili nating pamilya, halos 'yong iba, wala nang pagmamahal. Ano po ang katuruan? You must love people and use things, but the world now is teaching us to love things and use people. Ngayon, maraming tao ang mahal ang bagay, at ginagamit ang ibang tao para makuha nila ang bagay na gusto nila. Iba na - ang mga taong ito ay user-friendly. Sila ay mabait sa mga taong pwede nilang gamitin. 

Itanong po natin sa ating mga sarili, mga minamahal na kapatid. 'Yong taong mapagpasensiya ay 'yong taong mababa ang loob. I have said this many times that humility is not thinking less of ourselves, but to think of ourselves less. Bawasan mo ang pagiging makasarili. Kung mababawasan mo ang iyong pagiging makasarili, magkakaroon ng puwang ang ibang tao sa iyong buhay. 

Kailan po tayo nagiging makasarili? Kayo lang po ang makaka-alam niyan. Pag tayo po ay kumakain, marami sa atin, takaw-tingin. Alam n'yo namang hindi kasya sa inyong bituka 'yong iniligay ninyo sa inyong mga pinggan (laughs), pero para bang gusto n'yo lang makasigurado, hindi po ba? 'Yong mga kumakain sa eat-all-you-can, ang purpose, hindi para mabusog. Ang purpose, makalamang, hindi po ba? Naka-tatlong pinggan na kayo, tinatanong n'yo pa, 'bawi na ba tayo'? (laughs) Alam n'yo namang kayo'y nahihirapan nang huminga (laughs), parang hindi pa bawi, parang kulang pa sa Php800, kuha pa tayo, kuha pa tayo. 

Mga minamahal kong mga kapatid, tanong natin 'yan. Sa sariling pamilya, kailan tayo nagkikita-kita? Kailan dinadalaw ang mga magulang - kung kailan naghihingalo na, di ba? Kailan kayo nagbibigay? Kung kailan hindi na nakakakain at hindi na nakaka-inom ng gamot? Pag sinasabing 'anak, baka naman pwedeng makahingi ng pambili ng gamot', sasabihin ninyo, "Naku naman, Nanay...kasi kayo eh. Kinakain n'yo ang lahat ng bawal, eh." Kaya hahatiin na lang ng magulang 'yong gamot. Ngayong nasa ospital na at hindi na epektibo ang gamot, "Nanay, uminom na kayo ng gamot." "Anak, ako naman ay ipasyal mo." "Nanay, kayo'y matanda na, dito na lang kayo sa bahay." Kung kailan hindi na makalakad, ihahanap n'yo ng wheelchair, ipapasyal n'yo. Wala na, tapos na ang kwento. Bakit? Masyadong iniisip ang sarili. 
Minsan, nakukumpleto lang ang pamilya pag may lamay. Nandiyan ang patay, hindi pinagdarasal. Tsismisan nang tsismisan. At kung kelan ililibing na, magtatanungan, 'O kailan ulit tayo magkikita?' Ang ibig sabihin talaga no'n, sino ang kasunod na mamamatay? (laughs) Kasi nagkikita lang kayo, kapag may patay. 

My dear friends, my dear brothers and sisters, ni hindi ka makapagpahiram, di po ba? Alam n'yo nang hindi na nagagamit 'yang damit na 'yan, 'yang sapatos na 'yan, may kamag-anak kayong nangangailangan. 'Ate, baka naman pwedeng ipa-arbor n'yo na lang sa akin 'yan.' 'Hindi, huwag, huwag, akin 'yan, akin 'yan, kasya 'yan.' Alam n'yo namang sa damit ninyo eh hindi na kayo kasya, dahil lumiit na 'yong damit - sige 'yon na lang ang sabihin natin - lumiit na 'yong damit (laughs), ayaw n'yo pang ipamigay. 'Kasi noong ako'y dalaga at suot ko 'yon, seksing seksi ako.' Noon 'yon. (laughs) Kung ayaw ninyong ipamigay, ipa-frame ninyo. (laughs) 
'This is what I used to wear'. Kasi kapag sinuot mo 'yan, makikitang ang katawan mo, katawang sampalok (laughs) Mabuti pa 'yong suman, bilog, di po ba? (laughs) Ang sampalok, ang daming bewang (laughs). Hindi mo alam kung iyon ba'y dede pa, o puson na. (laughs) Totoo naman, hindi po ba? Kaya kapag sinusuot ninyo, kung nakakapagsalita lang 'yong sinulid, 'Kapit kayo, dali, kapit!' (loud laughs) This is very true. 

My dear friends, my dear brothers and sisters, Mother Theresa said this. 'If you are keeping clothes in your closet that you are not using, then you are depriving someone, you are allowing them to walk naked, because the things that can be theirs are hidden in your own closet.' Hindi dahilan na por que kaya nating bayaran ang ating ginagamit, may karapatan tayong mag-aksaya. 'Eh ano naman, ako naman ang nagbayad niyan.' 

My dear friends, my dear brothers and sisters, ang problema natin, we think so much of ourselves. Nakakalimutan natin na mayroong ibang kapwa. Mayroong ibang tao. At ang malungkot na kwento, ang sariling kapamilya, kamag-anak, kapatid, magulang, ay hindi mo na maituring na kapwa. 

Look at the Gospel. But first, when you look at it, don't look outside your houses. Look inside first. Kasi kung hindi ko kayang ituring nang maayos ang sarili kong kamag-anak, paano ko maituturing na kapwa ang nasa labas ng aking tahanan? Kung hindi ko kayang pagkatiwalaan ang sarili kong kamag-anak, may katotohanan ba ang pagtitiwala ko sa ibang tao? Kung hindi ko kayang magpasensiya sa sarili kong kapatid, kung hindi ko kayang magpatawad sa sarili kong kamag-anak, ano'ng katotohanan ang pagpapatawad ko sa ibang tao? 

Hindi naman natin madadala ang kahit na anong kapirasong meron tayo. Sayang ang yaman. Mismong magkakamag-anak, nagdedemandahan. 

Ang isa sa pinakamalungkot na punto o yugto ng aking pagkapari ay noong nag-anoint ako sa isang taong hindi ko kakilala. Nando'n lahat ang mga anak. Pagkatapos i-anoint, nakatayo kaming ganyan. Ang tanong ng anak ay, 'Patay na, Father?' 'Hindi pa ho. Ipagdasal po natin na humaba pa ang kanyang buhay.' Tapos sabi no'ng isa, 'Ang tagal naman.' Mag-iingat kayo sa mga anak ninyo. Tapos napansin ko na may yapos-yapos siyang envelope na ganyan, sabi noong isa, 'Ate, kunin mo na.' Kinuha 'yong envelope, 'yon pala mga titulo ng lupa. 'Yon lamang pala ang inaantay. Noong makuha ang laman, iniwanan ako do'n kasama no'ng patay (laughs) hindi ko naman kamag-anak 'yon. Actually, natukso ako tingnan 'yong envelope, baka may iniwan para kay Father, eh. (laughs) Wala naman. 

My dear friends, my dear brothers and sisters, if you can despise your own family, how can you say you can love others? If we cannot be good with the very parents, the very mother that has given us life in this world, how can we be truly good to others? Tayo po ang magtanong. Kung ako po'y madamot sa sarili kong pamilya, ano ang ibig sabihin ng generosity na pinapakita ko sa ibang tao? Baka hindi totoo. Baka pakitang-tao lang.....

As we continue this celebration, let us ask the Lord to help us examine ourselves. May God allow us to see where we came from, who we are, what we have become, and where we are going. 

My dear friends, my dear brothers and sisters, keep this in mind that what is really important is what our hearts can keep, and not what our hands can hold.