Saturday, October 20, 2012

Gospel Reflection



October 20, 2012
Saturday – Weekday – Year of Faith
by Rev. Fr. Joseph Gil Alonso, Parochial Vicar, Shrine of Our Lady of Guadalupe, Makati
Mass at Sto. Niño de Paz Greenbelt Chapel, Makati

Reading 1 Eph 1:15-23

Brothers and sisters: Hearing of your faith in the Lord Jesus and of your love for all the holy ones, I do not cease giving thanks for you, remembering you in my prayers, that the God of our Lord Jesus Christ, the Father of glory, may give you a spirit of wisdom and revelation resulting in knowledge of him. May the eyes of your hearts be enlightened, that you may know what is the hope that belongs to his call, what are the riches of glory in his inheritance among the holy ones, and what is the surpassing greatness of his power for us who believe, in accord with the exercise of his great might, which he worked in Christ, raising him from the dead and seating him at his right hand in the heavens, far above every principality, authority, power, and dominion, and every name that is named not only in this age but also in the one to come. And he put all things beneath his feet and gave him as head over all things to the Church, which is his Body, the fullness of the one who fills all things in every way.

Responsorial Psalm Ps 8:2-3ab, 4-5, 6-7

R. (7) You have given your Son rule over the works of your hands.
O LORD, our LORD,
how glorious is your name over all the earth!
You have exalted your majesty above the heavens.
Out of the mouths of babes and sucklings
you have fashioned praise because of your foes.
R. You have given your Son rule over the works of your hands.
When I behold your heavens, the work of your fingers,
the moon and the stars which you set in place?
What is man that you should be mindful of him,
or the son of man that you should care for him?
R. You have given your Son rule over the works of your hands.
You have made him little less than the angels,
and crowned him with glory and honor.
You have given him rule over the works of your hands,
putting all things under his feet.
R. You have given your Son rule over the works of your hands.

Gospel Lk 12:8-12

Jesus said to his disciples: "I tell you, everyone who acknowledges me before others the Son of Man will acknowledge before the angels of God. But whoever denies me before others will be denied before the angels of God.

"Everyone who speaks a word against the Son of Man will be forgiven, but the one who blasphemes against the Holy Spirit will not be forgiven. When they take you before synagogues and before rulers and authorities, do not worry about how or what your defense will be or about what you are to say. For the Holy Spirit will teach you at that moment what you should say."



HOMILY

Bukas po ay mayroon na tayong ikalawang santo - si Blessed Pedro Calungsod, ano po? Nais ko po sana ngayong magtanong - sino ho ba ang gustong sumunod na maging santo sa inyo? Pakitaas lang ang kanang kamay....kailangang maging martir ha. (laughs)

Sabi nga po, tulad nang naganap kay Hesus, ang dugo ng mga martir ay dumanak, hindi dahil sa katatagang likas, kundi dahil sa bigay na lakas ng Panginoon. Nakatutuwa mga kapatid kung ito ay ating isasabuhay lagi. Kung saka-sakaling tayo po ay nakakaranas ng paglakas ng pananampalataya, pag-asa at panalangin, huwag nating sabihin na ito ay galing sa atin. Ito ay galing sa Diyos. Nakatutuwa kung bukas na bukas ang ating buhay, ang ating isipan, ang ating mga puso para sa mga biyayang ito. At ang pagiging bukas sa biyayang ito ni Pedro Calungsod ay paghamon na sana tayo rin po ay sumunod sa kanya. Sana po, tayo rin ay maging santo. Sana tayo rin po ay makabilang sa kaharian ng Diyos.

Isa sa napakagandang panalangin na dapat sana ay lagi nating isinasabuhay ay ang panalangin na mapasa-atin ang kaharian ng Diyos, at mapasa-atin ang pagmamahal ng Diyos. Kapag naisama po natin 'yan sa ating mga kahilingan sa araw-araw, lahat siguro ng ating mga pangangailangan ay napakadali na sigurong hilingin. Halos lahat ng binabanggit po natin ay "bigyan po kami ng ganito at ganyan, ipagkaloob mo po sa amin ang ganito at ganyan". Ngunit ang nais ibigay ng Panginoon sa atin ay hindi lang yan, kundi ang kanyang kaharian - ang ating kabanalan, ang ating pagiging santo.

Baka isipin po natin kasi na dalawa lang ang santong Pilipino. Nagkakamali po kayo - napakarami pong santo. Marami po sa mga kamag-anak ninyo marahil ay mga santo na. Ang tanong - mapapabilang po ba tayo sa kanila?

Si Pedro Calungsod mga kapatid ay hindi lamang basta nag-alay ng kanyang buhay. Hindi lamang basta iniligtas niya si Padre Diego. Ang magandang ipinakita ni Pedro Calungsod ay ang pagmamahal niya sa kanyang kapwa, sa kanyang tawag na pagiging katekista, sa tawag ng pagsama sa mga misyon ng pari. Kaya ito po ay hamon sa ating lahat, lalong lalo na sa mga naglilingkod sa ating simbahan. Bigyan po natin ng pagmamahal ang ating mga gawain, sapagkat ito po ay pagkakataon na tayo ay maka-ambag sa misyon ng Diyos na magturo ng pananampalataya. Dito tayo maiiba sa karaniwang tao na kumikilos o gumagawa dahil lamang sa pagpapahalaga sa pera o kung ano ang kanyang makukuha.

My dear brothers and sisters, this mass, this beautiful opportunity, reminds us once again that God is calling us to be saints. This is not only a call given to Blessed Pedro Calungsod, but for all of us Filipinos. I know hindi lang po dalawa ang santo sa atin. Marami po sa atin ang banal, at taos-puso sa kanilang paglilingkod at pagmamahal. We continue to pray that we may continuously share the grace and the love of God and see ourselves some day, also in heaven, Amen.  



Saint Pedro Calungsod – Pray for us


 You may also want to see: A Holy Life - Saint Pedro Calungsod