Saturday, January 18, 2014

Gospel Reflection

January 18, 2014
Saturday – Ordinary Time
by Rev. Fr. (Major) Daniel D. Tansip, VHS (Vicar Forane, Vicariate of Palawan, Military Ordinariate of the Philippines)
12:15PM Mass at Sto. Nino de Paz Chapel (Greenbelt Chapel), Makati 

Reading 1 1 sm 9:1-4, 17-19; 10:1


There was a stalwart man from Benjamin named Kish, who was the son of Abiel, son of Zeror, son of Becorath, son of Aphiah, a Benjaminite. He had a son named Saul, who was a handsome young man. There was no other child of Israel more handsome than Saul; he stood head and shoulders above the people.

Now the asses of Saul’s father, Kish, had wandered off. Kish said to his son Saul, “Take one of the servants with you and go out and hunt for the asses.” Accordingly they went through the hill country of Ephraim, and through the land of Shalishah. Not finding them there, they continued through the land of Shaalim without success. They also went through the land of Benjamin, but they failed to find the animals.

When Samuel caught sight of Saul, the LORD assured him, “This is the man of whom I told you; he is to govern my people.”

Saul met Samuel in the gateway and said, “Please tell me where the seer lives.” Samuel answered Saul: “I am the seer. Go up ahead of me to the high place and eat with me today. In the morning, before dismissing you, I will tell you whatever you wish.”

Then, from a flask he had with him, Samuel poured oil on Saul’s head; he also kissed him, saying: “The LORD anoints you commander over his heritage. You are to govern the LORD’s people Israel, and to save them from the grasp of their enemies roundabout.

“This will be the sign for you that the LORD has anointed you commander over his heritage.”

 

Responsorial Psalm ps 21:2-3, 4-5, 6-7


R. (2a) Lord, in your strength the king is glad.
O LORD, in your strength the king is glad;
in your victory how greatly he rejoices!
You have granted him his heart’s desire;
you refused not the wish of his lips.
R. Lord, in your strength the king is glad.
For you welcomed him with goodly blessings,
you placed on his head a crown of pure gold.
He asked life of you: you gave him
length of days forever and ever.
R. Lord, in your strength the king is glad.
Great is his glory in your victory;
majesty and splendor you conferred upon him.
For you made him a blessing forever;
you gladdened him with the joy of your face.
R. Lord, in your strength the king is glad.

 

Gospel mk 2:13-17


Jesus went out along the sea. All the crowd came to him and he taught them. As he passed by, he saw Levi, son of Alphaeus, sitting at the customs post. Jesus said to him, “Follow me.” And he got up and followed Jesus. While he was at table in his house, many tax collectors and sinners sat with Jesus and his disciples; for there were many who followed him. Some scribes who were Pharisees saw that Jesus was eating with sinners and tax collectors and said to his disciples, “Why does he eat with tax collectors and sinners?”  Jesus heard this and said to them, “Those who are well do not need a physician, but the sick do. I did not come to call the righteous but sinners.”

HOMILY

Marami po sa ating mga Pilipino ang madasalin. Marami po sa atin ang relihiyoso. At makikita natin ito sapagkat marami sa atin ang nagsisimba, hindi lamang tuwing Linggo, kundi araw-araw. Marami rin sa ating mga Pilipino ang namamanata. Kaya naman malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Black Nazarene. Nakita natin noong January 9 ang napakaraming deboto sa Nazareno. Kahit na sila ay nasasaktan, sila ay nagtitiyaga, makahipo lamang sa Nazareno.

Marami din po sa atin ang deboto ng ating patron sa Greenbelt Chapel na si Sto. Nino. Sa Cebu, siguradong bukas ay punong-puno ang simbahan ng mga deboto ni Sto. Nino. Sana po ang debosyong ito ay hindi mauwi sa isang palabas lang, na hindi naman nagpapalawig ng ating ugnayan sa Diyos. Ito po ay hindi isang agimat. Sana hindi lamang po manatili sa pamamanata ang ating debosyon. Ito ay dapat magpalalim ng ating pananampalataya, na siyang magiging daan upang maging mabuting tao tayo. Pagkatapos ng piyesta, ano na? Balik ka ba sa dating gawi, o may nagbago sa iyo? Maging aware po tayo kung saan na po ba tayo dinadala ng ating pagsisimba o pagdarasal. 

Ngayon ay binuksan na po natin ang bagong panahon sa ating simbahan - ang Ordinaryong Panahon, pagkatapos ng panahon ng Kapaskuhan na natapos sa Feast of the Baptism of the Lord. Ang Ordinaryong Panahon po ay 7 1/2 weeks na paghahanda bago ang Lenten season. Ano ang gagawin natin? Ano ang paghahandaan natin? 

Nakikipag-usap sa atin si Kristo at dahil dito ay nagkakaroon tayo ng kakayahan na magkaroon ng transformation to His image and likeness - an image of godliness, with a God-like attitude. The Ordinary Season will prepare us toward the Lenten season and will keep us aware of the presence of Jesus within us. Ang Ordinaryong panahon ang magdadala sa atin sa pagninilay sa mga salita ni Kristo at tulad ng sa ating mga Pagbasa, ay magpapa-alala po sa atin na lahat po tayo ay tinawag na maging disipulo ng Panginoon sa iba't ibang pamamaraan. At tinitiyak ng Panginoon na tayo ay makatutugon sa pagtawag Niya. At sa patuloy ng pagninilay ng Kanyang Salita, sa ating araw-araw na pamumuhay, bibigyan Niya tayo ng kakayanan na sumunod kay Kristo. 

Kaya magandang tanungin natin sa simula ng ating paglalakbay sa Ordinaryong Panahon - paano tayo magiging tapat sa ating bokasyon? Una ay ang pagpapatuloy sa pakikinig ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagsisimba. Ikalawa ay ang pagsasabuhay ng gospel values, ng Salita ng Diyos na na-aayon sa nais ng Diyos na mangyari sa atin bilang mga binyagan ng Diyos at mga tinawag Niya. Ikatlo ay ang pagpapatuloy na pagdarasal araw-araw. Minsan po ay naiisip natin na paulit-ulit lang ang ating dasal. Ngunit huwag po tayong manghinawa, huwag po tayong mapagod, huwag po tayong mawalan ng gana, kapag tayo ay nagdarasal. Kahit na tayo ay nasa Ordinaryong Panahon sa ating Simbahan, ang ibig sabihin ay walang masyadong pagdiriwang, gamitin po natin ang pagkakataong ito upang personal na maghanda ng ating sarili nang sa gayon, kapag pumasok na ang panahon ng Kuwaresma o Lenten season, masasabi nating totoo nga na napaghandaan natin ang paanyaya ng Diyos sa ating lahat na tinawag Niya. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.