March 09, 2013
Saturday – Year of Faith – Lenten Seasons
by Rev. Fr. (Major) Daniel D.
Tansip, VHS (Vicar Forane, Vicariate of Palawan, Military Ordinariate of the
Philippines)
12:15PM Mass, Sto. Nino de Paz
Chapel (Greenbelt Chapel), Greenbelt, Makati
“Come, let us return to the LORD, it is he who has rent, but
he will heal us; he has struck us, but he will bind our wounds. He will revive
us after two days; on the third day he will raise us up, to live in his
presence. Let us know, let us strive to know the LORD; as certain as the dawn
is his coming, and his judgment shines forth like the light of day! He will
come to us like the rain, like spring rain that waters the earth.”
What can I do with you, Ephraim? What can I do with you, Judah? Your piety is like a morning cloud, like the dew that early passes away. For this reason I smote them through the prophets, I slew them by the words of my mouth; For it is love that I desire, not sacrifice, and knowledge of God rather than burnt offerings.
What can I do with you, Ephraim? What can I do with you, Judah? Your piety is like a morning cloud, like the dew that early passes away. For this reason I smote them through the prophets, I slew them by the words of my mouth; For it is love that I desire, not sacrifice, and knowledge of God rather than burnt offerings.
Responsorial Psalm PS 51:3-4, 18-19, 20-21ab
R. (see Hosea 6:6) It is mercy I desire, and not
sacrifice.
Have mercy on me, O God, in your goodness;
in the greatness of your compassion wipe out my offense.
Thoroughly wash me from my guilt
and of my sin cleanse me.
R. It is mercy I desire, and not sacrifice.
For you are not pleased with sacrifices;
should I offer a burnt offering, you would not accept it.
My sacrifice, O God, is a contrite spirit;
a heart contrite and humbled, O God, you will not spurn.
R. It is mercy I desire, and not sacrifice.
Be bountiful, O LORD, to Zion in your kindness
by rebuilding the walls of Jerusalem;
Then shall you be pleased with due sacrifices,
burnt offerings and holocausts.
R. It is mercy I desire, and not sacrifice.
Have mercy on me, O God, in your goodness;
in the greatness of your compassion wipe out my offense.
Thoroughly wash me from my guilt
and of my sin cleanse me.
R. It is mercy I desire, and not sacrifice.
For you are not pleased with sacrifices;
should I offer a burnt offering, you would not accept it.
My sacrifice, O God, is a contrite spirit;
a heart contrite and humbled, O God, you will not spurn.
R. It is mercy I desire, and not sacrifice.
Be bountiful, O LORD, to Zion in your kindness
by rebuilding the walls of Jerusalem;
Then shall you be pleased with due sacrifices,
burnt offerings and holocausts.
R. It is mercy I desire, and not sacrifice.
Jesus addressed this parable to those who were convinced of
their own righteousness and despised everyone else. “Two people went up to the
temple area to pray; one was a Pharisee and the other was a tax collector. The
Pharisee took up his position and spoke this prayer to himself, ‘O God, I thank
you that I am not like the rest of humanity —
greedy, dishonest, adulterous — or even like this tax collector. I fast
twice a week, and I pay tithes on my whole income.’ But the tax collector stood
off at a distance and would not even raise his eyes to heaven but beat his
breast and prayed, ‘O God, be merciful to me a sinner.’ I tell you, the latter
went home justified, not the former; for everyone who exalts himself will be
humbled, and the one who humbles himself will be exalted.”
HOMILY
Isa na namang mahalagang pagtuturo
ang sa atin ay ipinapahayag sa ating pagpapatuloy ng ating pagninilay sa
Kuwaresma. Tayo ay nasa kalahatian na ng 40 days of Lent. At kung mamamalayan
natin, ang mga uri ng pananalangin ay ipinapakita sa ating mga pagbasa. Ang isa
ay matatagpuan sa Unang Pagbasa na ating narinig. At ang dalawa naman ay
ipinahayag ng dalawang klaseng tao sa talinhaga ng publikano o tax collector,
at ng Phariseo.
Likas sa mga panahon ni Kristo noon
ang mag-isip na ang mga Phariseo ay expert sa kanilang mga gawain tulad ng
pagdasal at pag-aalay sa templo. Sa kabilang banda, ang mga publikano, na
siyang public offender sa batas, ay hindi inaasahang alam ang lahat tungkol sa
templo at pati ang pagdarasal.
Kung pag-aaralan po nating mabuti
ang Phariseo, sila po 'yong mga self-righteous people, at mahilig manghusga sa
ibang tao. Wala sa kanila ang pagdarasal na nagmumula sa kalooban, sa kanilang
puso. Marahil sila ay nagdarasal dahil ito'y hinihingi ng tradition o rituwal.
Mahalaga sa kanila 'yong nakikita sila ng tao na nagdarasal. Kailangang ipakita
ito sa mga tao. Hindi mahalaga 'yong kung ano 'yong nasa kalooban. Iba ang
laman ng kanilang damdamin. At ang tunay na laman ng kanilang puso ay narinig
natin sa kanilang panalangin. Panginoon, salamat po at hindi ako katulad ng
ibang mga taong makasalanan - mga swapang, dishonest, adulterous - o di kaya'y
tulad nitong publikano - itong nasa aking tabi. Ako ay nag-aayuno (ibig sabihin
ay gumagawa ng sakripisyo) dalawang beses sa isang linggo. Ako po ay nagbibigay
ng aking ikapu, o 'yong tinatawag nating tithing sa panahon natin ngayon.
Mapapansin na ang kanilang panalangin ay puno ng pagmamataas. At sa kanilang
mga panalangin, sila ay gumagawa ng category. Inihihiwalay nilang mabuti ang
iba, at sila lang ang mabuti sa pamamagitan ng pagsabi ng lahat ng kanyang
nagawang kabutihan sa kanilang pagdarasal. Kasabay nito ay ang pang-iinsulto,
panlalait, at pangmamaliit sa ibang mga tao. Ang pagmamalinis sa harap ng Diyos
ang karaniwang binabanggit ng Phariseo sa kanilang pagdarasal sa Panginoon. Ito
ang uri ng kanilang mga panalangin.
Sa Unang Pagbasa, makikita natin na
itong mga Israelita ay kumikilala sa kanilang mga kasalanan, at nagtitiwala sa
Diyos na sila ay muling bubuuin at ibabalik sa orihinal na estado sa buhay.
Pero itong klaseng pananalangin ay isa lamang lip service, sapagkat may
insincerity on the part of the Israelites dito. Walang halaga sa kanila ang
intensiyon na magsisi at magbago. Dasal sila nang dasal, pero ayaw namang
sundan ng pagbabago ang kanilang buhay. Gusto nilang may mabago sa estado ng
kanilang buhay, pero ayaw nila namang ayusin at ituwid ang kanilang pag-iisip
at pamumuhay.
Ang pangatlong uri ng pagdarasal ay
maihahalintulad natin sa isang tax collector, sa isang publikano. With all
humility, humingi siya ng kapatawaran sa lahat ng pagkakasalang nagawa niya. At
ito po'y ginagawa rin natin sa tuwing tayo'y nagsisimba. Sinasabi natin,
'through my fault, through my fault, through my most grievous fault'. The words
are a lesson in prayer for everyone of us. "God, be merciful to me, a
sinner." Maawa po kayo sa akin, O Diyos, ako'y isang makasalanan. Siguro,
iyon ay magandang pasimula ng ating panalangin sa tuwing tayo'y nagdarasal.
Huwag kaagad tayong humiling kay Lord. Unahin natin ang ating paghingi ng
tawad. Maawa po kayo sa akin, O Diyos, ako'y isang makasalanang tao.
Sa pagdarasal, ang kailangan po
nating unahin sa lahat ay humility. Mababang kalooban. Tayo ay nakikipag-usap sa Diyos habang tayo ay nagdarasal.
Hindi natin kapantay ang Diyos, kaya't wala po tayong karapatan na magyabang o
magmataas sa harapan ng Diyos. Batid Niya kung sino tayo, at kung ano ang ating
mga nagawang kalabisan at kasalanan sa buhay. Batid ng Diyos ang ating
kalooban, bago pa tayo magdasal sa Kanya. Kaya nga kung tayo ay
magdarasal, una, dapat ay nandoon ang kababaang-loob. Ito din ang hinihinging
first step ng ating tamang pananalangin.
Ikalawa ay 'yong sinseridad sa ating
puso. Nanggagaling sa puso, nagmumula sa puso ang ating panalangin. At ang
ikatlo ay ang kahandaan natin na baguhin ang ating sarili. Binabago ng Diyos
ang ating pananaw sa buhay, sa tuwing tayo po ay nagdarasal nang taimtim.
Meron pong mga pagkakataon na ang
laman ng ating dasal ay hindi po para sa atin, kundi para sa iba. Kami pong mga
pari, madalas na nilalapitan at hinihingan ng prayers. 'Father, please
ipagdasal mo po at isama mo sa misa mo ang aming anak, para makapasa sa Board
exam.' Kahit na anong prayers pa 'yan, kung 'yong anak ninyo, hindi
tinutulungan ang sarili, wala ring kahulugan ang pagdarasal.
Iba-iba po ang ating paghingi,
ngunit halos lahat ay humihingi ng panalangin sa pari. Minsan, palaging inaasa
na lang natin 'yong petition prayer sa pari. 'Yon bang pari ay pinagdarasal
natin? O nauuna pa tayo sa chismisan? Chini-chismis natin 'yong parish priest
natin?
Ngayon ay modern na. Fino-forward na
'yong petition through text message. 'Yong petition, fino-forward na lang sa
kaibigang pari. Mabuti pa sa text message, piso lang ang bayad, kaysa idaan mo
sa opisina, singkuwenta pesos ang bayad sa bawat padasal, bawat petisyon. Pag
may kaibigan po kayong pari, huwag n'yo naman pong gawing parang jukebox 'yong
pari. Na isang hulog po lamang ng piso through text ay dapat ka niyang
ipagdasal.
Madalas ay may dinarasal tayong
isang malaking kahilingan sa Diyos. Pero kung nakuha na po natin at naging
answered prayer na po ito, kung magbigay naman tayo sa simbahan, ay madalas na
napakaliit kumpara sa napakalaking hinihingi natin kay Lord.
Minsan, may nagpa-bless sa pari na
bagong sasakyan, top of the line. Sa bawat blessing, panay ang kwento ng
may-ari sa pari, kesyo ang tagal daw niyang ipinagdasal para magkaroon siya ng
bagong sasakyan. At ang kanyang sasakyan ay napakamahal. 1.4 million ang
presyo. Pagkatapos ng blessing ay nag-abot naman sa pari ang binata at sabi,
"Father, for the Church." At ibinigay ng pari ang envelope sa
secretary. Pagbukas ng envelope, ang laman ay 100 pesos lang. (laughs) 1.4
million, tapos 100 pesos lang ang ibinigay mo? Kung tayo ay manghingi sa Diyos,
ang laki-laki, pero para sa simbahan, ang liit liit. Hindi ba tayo nahihiya
niyan kay Lord?
Mga minamahal na kapatid kay Kristo,
kung tayo po ay nagdarasal ay ibinibigay ng Diyos ang ating mga kahilingan,
kung bukal sa kalooban natin at tapat tayo sa ating pagdarasal. Nais ng Diyos
na marinig ang ating personal prayer, na tayo mismo ang nagdarasal, at hindi
natin pinapa-asa sa ibang tao.
Sa ating pagpapatuloy ng ating
spiritual Lenten journey, harinawa ay matuto po tayong magdasal nang tama.
Sa ating personal prayers, harinawa ay maging daan ito sa maayos na ugnayan
natin sa Diyos at magdala sa atin tungo sa totohanang pagbabago at pagtutuwid
ng ating buhay. Kung sa bawat panalangin ay may nababago sa ating buhay,
tayo ay nasa tamang pagdarasal. Ngunit kung sa bawat panalangin o sa pagsisimba
natin ay lalo tayong hindi nagiging mabuting tao, suriin din natin ang ating
prayer o kung anong pananalangin mayroon tayo.