Saturday, October 19, 2013

Gospel Reflection



October 19, 2013
Saturday – Year of Faith – Ordinary Time
Memorial of Saints John de Brébeuf and Isaac Jogues, Priests, and Companions, Martyrs
by Rev. Fr. (Major) Daniel D. Tansip, VHS (Vicar Forane, Vicariate of Palawan, Military Ordinariate of the Philippines)
12:15PM Mass at Sto. Nino de Paz Chapel (Greenbelt Chapel), Makati

Reading 1 Rom 4:13, 16-18

Brothers and sisters: It was not through the law that the promise was made to Abraham and his descendants that he would inherit the world, but through the righteousness that comes from faith. For this reason, it depends on faith,  so that it may be a gift, and the promise may be guaranteed to all his descendants, not to those who only adhere to the law but to those who follow the faith of Abraham, who is the father of all of us, as it is written, I have made you father of many nations. He is our father in the sight of God, in whom he believed, who gives life to the dead and calls into being what does not exist. He believed, hoping against hope, that he would become the father of many nations, according to what was said, Thus shall your descendants be.

Responsorial Psalm PS 105:6-7, 8-9, 42-43

R. (8a) The Lord remembers his covenant for ever.
You descendants of Abraham, his servants,
sons of Jacob, his chosen ones!
He, the LORD, is our God;
throughout the earth his judgments prevail.
R. The Lord remembers his covenant for ever.
He remembers forever his covenant
which he made binding for a thousand generations –
Which he entered into with Abraham
and by his oath to Isaac.
R. The Lord remembers his covenant for ever.
For he remembered his holy word
to his servant Abraham.
And he led forth his people with joy;
with shouts of joy, his chosen ones.
R. The Lord remembers his covenant for ever.

Gospel Lk 12:8-12

Jesus said to his disciples:  “I tell you, everyone who acknowledges me before others the Son of Man will acknowledge before the angels of God. But whoever denies me before others will be denied before the angels of God.

“Everyone who speaks a word against the Son of Man will be forgiven, but the one who blasphemes against the Holy Spirit will not be forgiven. When they take you before synagogues and before rulers and authorities, do not worry about how or what your defense will be or about what you are to say.  For the Holy Spirit will teach you at that moment what you should say.”

HOMILY

Kahapon ay muntik na po akong mag-collapse. Bilang military priest po kasi ay kasama ako palagi sa tinatawag na quarterly physical fitness test na kailangang ipasa, dahil kung hindi ay matatanggal ka. Noong ako po ay nagpu-push up, tinanong ko po 'yong sundalo. Sabi ko, "Bro, ilan ba ang passing ko? 47 na ako." At ang sabi niya, "Sir, 40 times po. 40 push-ups po ang kailangan." Noong bata pa ako ay kayang kaya ko 'yon, pero ngayong may-edad na ako, eh medyo hindi ko na yata kaya ang 40. Pero pipilitin ko, kasi sa military, hindi na baleng mamatay, huwag lang mapahiya. (laughs)

Noong nagpu-push up ako, sabi ng sundalo kong kasama, "Pit lang, Sir. Pit lang." Ano kayang 'pit' ang pinagsasabi niya? "Pit lang, Sir. Pit lang." Naka-50 push ups ako, tama na, passing na ako. Dumating kami sa sit-ups, kailangan din ng 40 para makapasa. Medyo nahirapan ako sa sit-ups pero sabi ng sundalo, "Sir, pit lang, Sir. Pit lang!" Sa loob-loob ko, ano ba itong pinagsasabi nito? Umabot din ako ng 40 at hirap na hirap na ako, pero nakapasa pa rin. Eto na, takbuhan na. Ang 25 miles ay kailangang tapusin in 21 minutes and 59 seconds. Sige, takbo naman. At sa huling ikutan, sa huling round, sigaw nang sigaw ang sundalo, "Sir, pit lang, Sir. Pit lang!" Bandang huli, natapos ko rin ang pagtakbo, awa ng Diyos, in 20 minutes and 9 seconds. Pasado si Father, awa ng Diyos.

Tinawag ko ang sundalo at sabi ko, "Kanina ka pa sabi nang sabi ng 'pit'. Ano ba ang ibig sabihin ng 'pit'? At ang sabi ng sundalo, "Sir, lay minister ako sa probinsiya namin. 'Pit' lang ba. Pananampalataya na ligtas ka. (loud laughs) 'Pit'. Faith pala ang sinasabi niya, grabe. (more laughs)

Kahit na masakit ang katawan ko, pinatawag ako ng operations at kasama daw ako sa security advance party sa arrival ng Pangulo. Wala naman tayong magawa sapagkat tayo ay sundalo. Naalala ko ang sinabi sa akin ng sundalo, "Sir, pit lang, Sir."

My dear friends, sa buong linggo pong nagdaan, mula Lunes hanggang kahapon, pinagnilayan po natin ang paniniwala na tayo ay maliligtas sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Kristo. Sa buong Linggo, 'yon ang reflection natin. Sinabi ni Hesus sa isang tagpo, 'Your faith has been your salvation.' Sinabi nga ni Apostol Pablo sa kanyang pagtuturo, ang pangakong binigay sa kanya ng Diyos ay applicable din sa ating lahat na sumasampalataya sa Panginoon. Sa ating spiritual journey of faith, tayo po ay lumalakad, naglalakbay alinsunod sa mga pinagdaanan din ni Abraham.

There are times when things seem to make no sense to us, giving us burdens instead of blessings, sorrow instead of joy, pain instead of comfort. Minsan, pinapupunta tayo ni Lord sa isang situwasyon na kung saan ay mahihirapan tayo at hindi tayo komportable sa buhay. Tinitingnan po kung hanggang saan ang ating pananampalataya. Dinadaan tayo ni Lord sa situwasyon na wari ay walang katugunan o solusyon sa problema. Gayunpaman, may posibilidad na dahil po doon ay talikuran po natin ang ating pananampalataya. Ang Diyos ay tapat sa atin, ngunit hindi po ito guarantee na tayo ay mananatiling tapat din kay Kristo. Paminsan-minsan, we also fall down. Kaya nga sa Ebanghelyo ngayon, si Lord ay nagtuturo ng dalawang paraan na kung saan tayo ay nagkakasala laban sa pananampalataya. One way is to fail to bear public witness to Him, to disown Him in the presence of the people around us, for fear of rejection or because of our desire to gain favor. We may be tempted to deny what we believe. Minsan, dine-deny natin na tayo ay Katoliko, or we compromise our faith. Ito 'yong temptation na dapat ay paglabanan natin. Ipinunla po ng Diyos ang pananampalataya sa ating mga puso, pero kailangan pong pagyabungin ito at ipahayag, ipakita at patunayan, lalo na sa mga pagkakataong tayo ay tinatanong tungkol sa ating pananampalatayang Kristiyano.

Noong isang araw po ay nagdaos ng misa sa isa sa mga nagibang simbahan sa Bohol dahil sa nakaraang malakas na lindol, at ito ay dinaluhan ng napakaraming Boholano. Ito po ay ang pagpapakita ng malakas na pananampalataya sa kabila ng trahedya. Kahit na may unos, kahit na puno ang isipan ng mga Boholano ng pag-aagam-agam kung bakit hinayaan ng Diyos na mangyari ito, nariyan pa rin sila, patuloy na nananampalataya. Napakaganda ng sinabi ng Obispo ng Bohol na ang mga nangyaring ito ay hindi nakaplano, kaya dapat ito ay tanggapin sapagkat dito masusukat ang ating pananampalataya. Hindi sila naghanap ng sisisihin.

Kaya makikita po natin na ang pananampalataya ay napakahalaga. Failure to stand for God and the truth of the Gospel is an offense, not only against faith, but also against truth and love. God cannot bestow His favor on a person, lest he repents. This is what Jesus meant when He said that He will 'restore in the presence of the angels of God'.

Ang isa pang kasalanan laban sa ating pananampalataya ay ang blasphemy against the Holy Spirit. Hindi po tinutukoy dito ang offensive na paggamit sa pangalan ng Diyos, kundi mas malalim pa ang tinutukoy dito. It means a refusal to submit to God and to accept His mercy. Isang kasalanan ang magkaroon tayo ng matigas na puso sa Diyos at ang hindi pagbabago at pagsisisi sa ating mga kasalanan. Paano tayo mapapatawad kung wala naman sa atin ang paghingi ng tawad at pagtanggap ng kapatawaran mula sa ating Panginoong Diyos?

Kaya nga po dinadala tayo ni Lord upang maliwanagan ang ating pag-iisip, at magsisi tayo sa ating mga kasalanan, at huwag maging matigas ang ating puso, upang mapunan tayo ng grasya ng Banal ng Espiritu Santo, at ng kaligtasang walang hanggan. Siguro magandang isipin po natin ang mga pagkakataong nasubukan po at pinangatawanan po natin ang ating pananampalataya sa kabila ng mga takot at limitasyon natin sa buhay. Nawa'y patuloy po tayong mabuhay, alinsunod sa ating pananampalataya sa Diyos. Nawa'y matulungan tayo ng ating mahal na Birheng Maria upang matuto tayong tanggapin si Kristo nang may matibay na pananampalataya at tanggapin ang Kanyang awa at habag. Matuto nawa tayong magpakumbaba, aminin ang ating mga pagkukulang, at humingi ng tawad at awa sa Diyos. Mahirap ang pag-amin ng kasalanan nang may pagpapakumbaba sa harap ng Diyos, pero kung ito'y magagawa natin, simula ito ng magandang hakbangin tungo sa pagbabalik-loob sa Diyos. Higit pa nating gamitin ang ating pananampalataya kay Kristo. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.