September 12, 2013
Thursday – Year of Faith – Ordinary Time
(Spiritual Director, Holy Apostles Senior
Seminary, San Carlos Pastoral Formation Center, Guadalupe, Makati City)
5:30PM Mass, Sto. Nino de Paz Chapel, Greenbelt, Makati
5:30PM Mass, Sto. Nino de Paz Chapel, Greenbelt, Makati
Brothers and sisters: Put on, as God’s chosen ones, holy and
beloved, heartfelt compassion, kindness, humility, gentleness, and patience, bearing
with one another and forgiving one another, if one has a grievance against
another; as the Lord has forgiven you, so must you also do. And over all these
put on love, that is, the bond of perfection. And let the peace of Christ
control your hearts, the peace into which you were also called in one Body. And
be thankful. Let the word of Christ dwell in you richly, as in all wisdom you teach
and admonish one another, singing psalms, hymns, and spiritual songs with gratitude
in your hearts to God. And whatever you do, in word or in deed, do everything
in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God the Father through him.
R. (6) Let everything that breathes praise the Lord!
Praise the LORD in his sanctuary,
praise him in the firmament of his strength.
Praise him for his mighty deeds,
praise him for his sovereign majesty.
R. Let everything that breathes praise the Lord!
Praise him with the blast of the trumpet,
praise him with lyre and harp,
Praise him with timbrel and dance,
praise him with strings and pipe.
R. Let everything that breathes praise the Lord!
Praise him with sounding cymbals,
praise him with clanging cymbals.
Let everything that has breath
praise the LORD! Alleluia.
R. Let everything that breathes praise the Lord!
Praise the LORD in his sanctuary,
praise him in the firmament of his strength.
Praise him for his mighty deeds,
praise him for his sovereign majesty.
R. Let everything that breathes praise the Lord!
Praise him with the blast of the trumpet,
praise him with lyre and harp,
Praise him with timbrel and dance,
praise him with strings and pipe.
R. Let everything that breathes praise the Lord!
Praise him with sounding cymbals,
praise him with clanging cymbals.
Let everything that has breath
praise the LORD! Alleluia.
R. Let everything that breathes praise the Lord!
Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love
your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray
for those who mistreat you. To the person who strikes you on one cheek, offer
the other one as well, and from the person who takes your cloak, do not
withhold even your tunic. Give to everyone who asks of you, and from the one
who takes what is yours do not demand it back. Do to others as you would have
them do to you. For if you love those who love you, what credit is that to you?
Even sinners love those who love them. And if you do good to those who do good
to you, what credit is that to you? Even sinners do the same. If you lend money
to those from whom you expect repayment, what credit is that to you? Even
sinners lend to sinners, and get back the same amount. But rather, love your enemies and do good to
them, and lend expecting nothing back; then your reward will be great and you
will be children of the Most High, for he himself is kind to the ungrateful and
the wicked. Be merciful, just as also your Father is merciful.
“Stop judging and you will not be judged. Stop condemning and you will not be condemned. Forgive and you will be forgiven. Give and gifts will be given to you; a good measure, packed together, shaken down, and overflowing, will be poured into your lap. For the measure with which you measure will in return be measured out to you.”
“Stop judging and you will not be judged. Stop condemning and you will not be condemned. Forgive and you will be forgiven. Give and gifts will be given to you; a good measure, packed together, shaken down, and overflowing, will be poured into your lap. For the measure with which you measure will in return be measured out to you.”
HOMILY
If you really want to embrace the
Gospel for today, you know that it is difficult. Maybe not only difficult; it
is something insane. (laughs)
Ang katuruan ng matatanda ay pag
kayo'y binato ng bato, batuhin ninyo ng tinapay. Lumaki ho ako sa ganoong
katuruan, kaya ipina-practice ko, ano po. Palagi akong napupunta sa Principal's
office kasi ginagawa ko 'yon. Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.
Pero sinasama ko ho 'yong garapon (laughs) kaya sa Principal's office po ako
lagi pinapatawag.
Bakit? Kasi pag kayo'y nagpa-api o
hindi kayo lumaban sa mundong ito, lalo kayong aapihin, hindi po ba? Pag kayo'y
nagpaloko at wala kayong ginagawa, palagi kayong lolokohin. Kaya sabi nila,
meron lang nangbu-bully, kasi merong nagpapa-bully.
Pero
magandang pagtuunan ng pansin, mga minamahal na mga kapatid, na ang panuntunan
ng ating Ebanghelyo ay nasusulat sa Unang Pagbasa. Ang sabi po sa Unang
Pagbasa, 'Put on, as God's chosen ones, holy and beloved, heartfelt compassion,
kindness, humility, gentleness and patience, bearing with one another, and
forgiving one another'. Pwede lang kayong magbigay, pwede lang kayong
magpatawad, pwede lang kayong magtiis o magpasensiya, pag ang kalooban ninyo ay
may pagmamahal sa taong sabi nga'y nang-aapi sa inyo.
Maraming
beses ko po itong sinasabi - hindi lahat ng nagtiis nagmahal, pero 'yong mga
nagmamahal, marunong silang magtiis. Bakit ba kayang magtiis ng magulang sa
anak na matitigas ang ulo? Kasi merong pagmamahal. Bakit ba nagtitiis 'yong mga
asawa sa mga asawa nila? Hindi ho martir 'yan, kundi meron pang natitirang
pagmamahal. Pero pag nawala na ang pagmamahal, subukan ninyo. Subukan ninyong
manloko sa isang taong wala nang pagmamahal, baka hindi lang garapon ang ibato
sa inyo pabalik.
Maganda
pong pagtuunan ng pansin ito. Ang malaking problema ay ano? Ni sa sarili nating
pamilya, halos 'yong iba, wala nang pagmamahal. Ano po ang katuruan? You must
love people and use things, but the world now is teaching us to love things and
use people. Ngayon, maraming tao ang mahal ang bagay, at ginagamit ang ibang
tao para makuha nila ang bagay na gusto nila. Iba na - ang mga taong ito ay
user-friendly. Sila ay mabait sa mga taong pwede nilang gamitin.
Itanong
po natin sa ating mga sarili, mga minamahal na kapatid. 'Yong taong
mapagpasensiya ay 'yong taong mababa ang loob. I have said this many times that
humility is not thinking less of ourselves, but to think of ourselves less.
Bawasan mo ang pagiging makasarili. Kung mababawasan mo ang iyong pagiging
makasarili, magkakaroon ng puwang ang ibang tao sa iyong buhay.
Kailan
po tayo nagiging makasarili? Kayo lang po ang makaka-alam niyan. Pag tayo po ay
kumakain, marami sa atin, takaw-tingin. Alam n'yo namang hindi kasya sa inyong
bituka 'yong iniligay ninyo sa inyong mga pinggan (laughs), pero para bang
gusto n'yo lang makasigurado, hindi po ba? 'Yong mga kumakain sa
eat-all-you-can, ang purpose, hindi para mabusog. Ang purpose, makalamang,
hindi po ba? Naka-tatlong pinggan na kayo, tinatanong n'yo pa, 'bawi na ba
tayo'? (laughs) Alam n'yo namang kayo'y nahihirapan nang huminga (laughs),
parang hindi pa bawi, parang kulang pa sa Php800, kuha pa tayo, kuha pa tayo.
Mga
minamahal kong mga kapatid, tanong natin 'yan. Sa sariling pamilya, kailan tayo
nagkikita-kita? Kailan dinadalaw ang mga magulang - kung kailan naghihingalo
na, di ba? Kailan kayo nagbibigay? Kung kailan hindi na nakakakain at hindi na
nakaka-inom ng gamot? Pag sinasabing 'anak, baka naman pwedeng makahingi ng
pambili ng gamot', sasabihin ninyo, "Naku naman, Nanay...kasi kayo eh.
Kinakain n'yo ang lahat ng bawal, eh." Kaya hahatiin na lang ng magulang
'yong gamot. Ngayong nasa ospital na at hindi na epektibo ang gamot,
"Nanay, uminom na kayo ng gamot." "Anak, ako naman ay ipasyal
mo." "Nanay, kayo'y matanda na, dito na lang kayo sa bahay."
Kung kailan hindi na makalakad, ihahanap n'yo ng wheelchair, ipapasyal n'yo.
Wala na, tapos na ang kwento. Bakit? Masyadong iniisip ang sarili.
Minsan,
nakukumpleto lang ang pamilya pag may lamay. Nandiyan ang patay, hindi
pinagdarasal. Tsismisan nang tsismisan. At kung kelan ililibing na,
magtatanungan, 'O kailan ulit tayo magkikita?' Ang ibig sabihin talaga no'n, sino
ang kasunod na mamamatay? (laughs) Kasi nagkikita lang kayo, kapag may
patay.
My
dear friends, my dear brothers and sisters, ni hindi ka makapagpahiram, di po
ba? Alam n'yo nang hindi na nagagamit 'yang damit na 'yan, 'yang sapatos na
'yan, may kamag-anak kayong nangangailangan. 'Ate, baka naman pwedeng ipa-arbor
n'yo na lang sa akin 'yan.' 'Hindi, huwag, huwag, akin 'yan, akin 'yan, kasya
'yan.' Alam n'yo namang sa damit ninyo eh hindi na kayo kasya, dahil lumiit na
'yong damit - sige 'yon na lang ang sabihin natin - lumiit na 'yong damit
(laughs), ayaw n'yo pang ipamigay. 'Kasi noong ako'y dalaga at suot ko 'yon,
seksing seksi ako.' Noon 'yon. (laughs) Kung ayaw ninyong ipamigay, ipa-frame
ninyo. (laughs)
'This
is what I used to wear'. Kasi kapag sinuot mo 'yan, makikitang ang katawan
mo, katawang sampalok (laughs) Mabuti pa 'yong suman, bilog, di po ba? (laughs)
Ang sampalok, ang daming bewang (laughs). Hindi mo alam kung iyon ba'y dede pa,
o puson na. (laughs) Totoo naman, hindi po ba? Kaya kapag sinusuot ninyo, kung
nakakapagsalita lang 'yong sinulid, 'Kapit kayo, dali, kapit!' (loud laughs)
This is very true.
My
dear friends, my dear brothers and sisters, Mother Theresa said this. 'If you
are keeping clothes in your closet that you are not using, then you are
depriving someone, you are allowing them to walk naked, because the things that
can be theirs are hidden in your own closet.' Hindi dahilan na por que kaya
nating bayaran ang ating ginagamit, may karapatan tayong mag-aksaya. 'Eh ano
naman, ako naman ang nagbayad niyan.'
My
dear friends, my dear brothers and sisters, ang problema natin, we think so
much of ourselves. Nakakalimutan natin na mayroong ibang kapwa. Mayroong ibang
tao. At ang malungkot na kwento, ang sariling kapamilya, kamag-anak, kapatid,
magulang, ay hindi mo na maituring na kapwa.
Look
at the Gospel. But first, when you look at it, don't look outside your houses.
Look inside first. Kasi kung hindi ko kayang ituring nang maayos ang sarili
kong kamag-anak, paano ko maituturing na kapwa ang nasa labas ng aking tahanan?
Kung hindi ko kayang pagkatiwalaan ang sarili kong kamag-anak, may katotohanan
ba ang pagtitiwala ko sa ibang tao? Kung hindi ko kayang magpasensiya sa sarili
kong kapatid, kung hindi ko kayang magpatawad sa sarili kong kamag-anak, ano'ng
katotohanan ang pagpapatawad ko sa ibang tao?
Hindi
naman natin madadala ang kahit na anong kapirasong meron tayo. Sayang ang
yaman. Mismong magkakamag-anak, nagdedemandahan.
Ang
isa sa pinakamalungkot na punto o yugto ng aking pagkapari ay noong nag-anoint
ako sa isang taong hindi ko kakilala. Nando'n lahat ang mga anak. Pagkatapos
i-anoint, nakatayo kaming ganyan. Ang tanong ng anak ay, 'Patay na, Father?'
'Hindi pa ho. Ipagdasal po natin na humaba pa ang kanyang buhay.' Tapos sabi
no'ng isa, 'Ang tagal naman.' Mag-iingat kayo sa mga anak ninyo. Tapos napansin
ko na may yapos-yapos siyang envelope na ganyan, sabi noong isa, 'Ate, kunin mo
na.' Kinuha 'yong envelope, 'yon pala mga titulo ng lupa. 'Yon lamang pala ang
inaantay. Noong makuha ang laman, iniwanan ako do'n kasama no'ng patay (laughs)
hindi ko naman kamag-anak 'yon. Actually, natukso ako tingnan 'yong envelope,
baka may iniwan para kay Father, eh. (laughs) Wala naman.
My
dear friends, my dear brothers and sisters, if you can despise your own family,
how can you say you can love others? If we cannot be good with the very
parents, the very mother that has given us life in this world, how can we be
truly good to others? Tayo po ang magtanong. Kung ako po'y madamot sa sarili kong
pamilya, ano ang ibig sabihin ng generosity na pinapakita ko sa ibang tao? Baka
hindi totoo. Baka pakitang-tao lang.....
As
we continue this celebration, let us ask the Lord to help us examine ourselves.
May God allow us to see where we came from, who we are, what we have become,
and where we are going.
My
dear friends, my dear brothers and sisters, keep this in mind that what is
really important is what our hearts can keep, and not what our hands can
hold.
No comments:
Post a Comment