Saturday, August 17, 2013

Gospel Reflection



August 17, 2013
Saturday – Year of Faith – Ordinary Time
by Rev. Fr. Paul Marquez (St. Paul Church and Seminary, Bagtikan Street, Makati)
12:15PM Mass at Sto. Nino de Paz Chapel, Greenbelt, Makati

Reading 1 Jos 24:14-29

Joshua gathered together all the tribes of Israel at Shechem, and addressed them, saying: “Fear the LORD and serve him completely and sincerely. Cast out the gods your fathers served beyond the River and in Egypt, and serve the LORD. If it does not please you to serve the LORD, decide today whom you will serve, the gods your fathers served beyond the River or the gods of the Amorites in whose country you are dwelling. As for me and my household, we will serve the LORD.”

But the people answered, “Far be it from us to forsake the LORD for the service of other gods. For it was the LORD, our God, who brought us and our fathers up out of the land of Egypt, out of a state of slavery. He performed those great miracles before our very eyes and protected us along our entire journey and among all the peoples through whom we passed. At our approach the LORD drove out all the peoples, including the Amorites who dwelt in the land. Therefore we also will serve the LORD, for he is our God.”

Joshua in turn said to the people, “You may not be able to serve the LORD, for he is a holy God; he is a jealous God who will not forgive your transgressions or your sins. If, after the good he has done for you, you forsake the LORD and serve strange gods, he will do evil to you and destroy you.”

But the people answered Joshua, “We will still serve the LORD.” Joshua therefore said to the people, “You are your own witnesses that you have chosen to serve the LORD.” They replied, “We are, indeed!” Joshua continued: “Now, therefore, put away the strange gods that are among you and turn your hearts to the LORD, the God of Israel.” Then the people promised Joshua, “We will serve the LORD, our God, and obey his voice.”

So Joshua made a covenant with the people that day and made statutes and ordinances for them at Shechem, which he recorded in the book of the law of God. Then he took a large stone and set it up there under the oak that was in the sanctuary of the LORD. And Joshua said to all the people, “This stone shall be our witness, for it has heard all the words which the LORD spoke to us. It shall be a witness against you, should you wish to deny your God.” Then Joshua dismissed the people, each to his own heritage.

After these events, Joshua, son of Nun, servant of the LORD, died at the age of a hundred and ten.

Responsorial Psalm PS 16:1-2a and 5, 7-8, 11

R. (see 5a) You are my inheritance, O Lord.
Keep me, O God, for in you I take refuge;
I say to the LORD, “My Lord are you.”
O LORD, my allotted portion and my cup,
you it is who hold fast my lot.
R. You are my inheritance, O Lord.
I bless the LORD who counsels me;
even in the night my heart exhorts me.
I set the LORD ever before me;
with him at my right hand I shall not be disturbed.
R. You are my inheritance, O Lord.
You will show me the path to life,
fullness of joys in your presence,
the delights at your right hand forever.
R. You are my inheritance, O Lord.

Gospel Mt 19:13-15

Children were brought to Jesus that he might lay his hands on them and pray. The disciples rebuked them, but Jesus said, “Let the children come to me, and do not prevent them; for the Kingdom of heaven belongs to such as these.” After he placed his hands on them, he went away.

HOMILY

Isa pong magandang maulang hapon sa inyong lahat.

Sa mga araw-araw pong nagsisimba, siguro po'y nasusubaybayan ninyo ang kwento ni Josue o kung sa Ingles ay si Joshua. Siya po 'yong assistant ni Moses. Si Moses po ay namatay sa edad na 120 years old. Kaya ho noong huling birthday niya, siguro kung meron pong kandila sa birthday cake niya, parang masusunog na po siguro ang cake (laughs), at mahihirapan na siguro siyang hipan 'yon (laughs). Si Josue naman po ay inabot ng edad na 110 years.

Sa Reading po kahapon, tinawag po ni Josue ang lahat ng members ng kanyang congregation of the chosen people - the elders, the priests, prophets, citizens. Tinipon niya silang lahat, at inisa-isa niya sa kanila ang mga magagandang ginawa ng Diyos para sa bayan ng Israel. Ito ang kwento kahapon. Joshua traced back the merciful deeds of God for the chosen people.

Ngayon naman pong araw na ito, sa pagpapatuloy ng kwento ni Josue, sinabi niya, "As for me and my household, we will serve the Lord." Kasi alam ni Josue na marami pa rin sa mga chosen people ang naliligaw ng landas. Oo nga, naniniwala at nananalig sila kay God the Father na dumampot sa kanila mula pagka-alipin patungo sa Lupang Pangako, pero sabi ni Josue, hindi maaari ang nahahating paglilingkod. Kalahati ng puso nila ay nasa Diyos, pero may mga iniingatan pa rin silang mga diyos-diyosan.

Pag meron pong mga kapatid natin na hindi Katoliko ang nakapasok sa ating chapel, at kapag luminga-linga siya, alam ninyo na ang diyos-diyosan na ituturo nila sa atin ay ito pong imahen ng Inang Maria, ni Padre Pio at mga santo. Tatanungin nila, "Bakit ang dami n'yong diyos-diyosan? Bakit n'yo sila sinasamba?" Hindi po natin sinasamba ang mga 'yan. Sabi nga sa Ingles, we revere them, we honor them. Sila ang nagpapa-alala sa atin sa presensiya ng Diyos, katulad ng ating Mahal na Birheng Maria.

Ang diyos-diyosan na tinutukoy ni Josue ay 'yong mga likha ng Diyos, kagaya ng mga hayop sa lupa at hayop sa tubig na mababangis, na inaalayan nila, kasi natatakot sila. Kapag nag-aalimpuyo ang dagat, iniisip nila na may sea monster doon na ang kapangyarihan ay kagaya ng kapangyarihan ng Diyos. Sabi ni Josue, hindi pwedeng ganoon. Bukod po doon, meron silang mga diyos-diyosan kagaya ng pagiging mainggitin, pagiging mayabang, pagiging hambog, pagiging magagalitin.

Sa panahon po natin, meron din pong mga diyos-diyosan. Nandiyan ang diyos-diyosan ng porma. Kinakailangang beautiful ka, amoy mabango ka. Nandiyan din ang diyos-diyosan ng job security. Kailangang may trabaho. O kaya prestige. Kailangang meron kang pangalan. Ilan lamang po ito sa mga bagong porma ng mga diyos-diyosan na sinasamba ng tao.

Mahalaga din po ito. Sino ba naman ang ayaw magkaroon ng magandang pangalan, ang magkaroon ng magandang hitsura? Pero ang sabi, hindi maaaring 'yan ang mangunguna sa lahat, higit pa sa Diyos. Hindi iyan ang sasambahin ninyo, kung hindi ang Diyos lamang. Hindi po pwedeng nahahati ang paglilingkod. "As for me and my household, we will serve the Lord." Sabi niya sa bayang Israel, kayo na ang pumili.

Dito po sa ating Magandang Balita, na napaigsing Gospel ngayong araw, maraming dinalang bata kay Hesus. Parang sa ating mga parokya, tayong mga Pilipino, inilalapit ang mga bata sa pari at ibe-bless mo sila. Ang sabi ni Hesus, kapag hindi ninyo tinanggap ang mga batang 'yan at maging katulad nila, hindi kayo makakapasok sa Kaharian ng Diyos. Ipinapa-alala sa atin ng Panginoon na sana ay maging bata tayo. Kagaya ni Josue, alam niya kung ano ang kalooban ng Diyos - ang pagiging bata at naka-depende palagi sa Diyos.

Ang bata, hindi mabubuhay nang maayos kung walang nakatatanda na gagabay at susuporta sa kanya. Ang bata ay madali ring turuan. Kaya tanggalin natin ang ating pride, para manatili tayong bata, na nagpapaturo sa ating Panginoon na Dakilang Guro. Ito po ang hamon sa atin ng Ebanghelyo, na sana ay maging bata tayo, at di lamang basta katulad ng bata, kundi tanggapin ang mga kagaya nila sa buhay natin. Sino po ito? Ito ang mga taong maaaring dumepende sa atin. Sila ang mga taong pag ginawan natin ng kabutihan ay walang maibibigay na kapalit para sa atin. Madali kasing gumawa nang mabuti sa mga taong alam mong makakatulong din sa iyo. Pero gagawa ka nang mabuti sa mga taong alam mong walang maibibigay na kapalit. 'Yon ang pagtanggap sa isang tunay na bata.

Kagaya ng ating Mahal na Birheng Maria, siya ay isang tao, isang anak ng Diyos na umasa lamang sa Panginoon sa lahat ng sandali ng kanyang buhay. Siya ay isa sa mga tinatawag sa Bibliya na 'anawim' - the poor of the Lord. Hindi lang basta poor, kundi 'poor of the Lord', sapagkat umaasa siya sa Diyos. Diyos lamang ang kanyang inaasahan. Kaya sa gitna po ng ating kahirapan, di lamang sa materyal na bagay....meron tayong loneliness, search for meaning in life, companionship....sa gitna ng ating mga iba't ibang uri ng paghihikahos sa buhay, sana, hindi lang tayo maging mahirap, kundi tayo ay maging 'mahirap ng Panginoon'. Alam natin na ang ating Panginoong Diyos ay laging aalalay sa atin. Kaya naman kayanin natin ang buhay, sapakat kailan man ay hindi tayo nag-iisa. Amen.



No comments:

Post a Comment