Friday, August 2, 2013

Gospel Reflection



August 02, 2013
First Friday – Year of Faith – Ordinary Time
by Fr. Dominador “Domie” G. Guzman Jr. (Society of Saint Paul)
12:15PM Mass, Chapel of the Eucharistic Lord (Megamall Chapel)

Reading 1 Lv 23:1, 4-11, 15-16, 27, 34b-37


The LORD said to Moses, “These are the festivals of the LORD which you shall celebrate at their proper time with a sacred assembly. The Passover of the LORD falls on the fourteenth day of the first month, at the evening twilight. The fifteenth day of this month is the LORD’s feast of Unleavened Bread. For seven days you shall eat unleavened bread. On the first of these days you shall hold a sacred assembly and do no sort of work. On each of the seven days you shall offer an oblation to the LORD. Then on the seventh day you shall again hold a sacred assembly and do no sort of work.”

The LORD said to Moses, “Speak to the children of Israel and tell them: When you come into the land which I am giving you,
and reap your harvest, you shall bring a sheaf of the first fruits of your harvest to the priest, who shall wave the sheaf before the LORD that it may be acceptable for you. On the day after the sabbath the priest shall do this.

“Beginning with the day after the sabbath, the day on which you bring the wave-offering sheaf, you shall count seven full weeks, and then on the day after the seventh week, the fiftieth day, you shall present the new cereal offering to the LORD.

“The tenth of this seventh month is the Day of Atonement, when you shall hold a sacred assembly and mortify yourselves and offer an oblation to the LORD.

“The fifteenth day of this seventh month is the LORD’s feast of Booths, which shall continue for seven days. On the first day there shall be a sacred assembly, and you shall do no sort of work. For seven days you shall offer an oblation to the LORD, and on the eighth day you shall again hold a sacred assembly and offer an oblation to the LORD. On that solemn closing you shall do no sort of work.

“These, therefore, are the festivals of the LORD on which you shall proclaim a sacred assembly, and offer as an oblation to the LORD burnt offerings and cereal offerings, sacrifices and libations, as prescribed for each day.”

 

Responsorial Psalm PS 81:3-4, 5-6, 10-11ab


R. (2a) Sing with joy to God our help.
Take up a melody, and sound the timbrel,
the pleasant harp and the lyre.
Blow the trumpet at the new moon,
at the full moon, on our solemn feast.
R. Sing with joy to God our help.
For it is a statute in Israel,
an ordinance of the God of Jacob,
Who made it a decree for Joseph
when he came forth from the land of Egypt.
R. Sing with joy to God our help.
There shall be no strange god among you
nor shall you worship any alien god.
I, the LORD, am your God
who led you forth from the land of Egypt.
R. Sing with joy to God our help.

 

Gospel Mt 13:54-58


Jesus came to his native place and taught the people in their synagogue. They were astonished and said, “Where did this man get such wisdom and mighty deeds? Is he not the carpenter’s son? Is not his mother named Mary and his brothers James, Joseph, Simon, and Judas? Are not his sisters all with us? Where did this man get all this?” And they took offense at him. But Jesus said to them, “A prophet is not without honor except in his native place and in his own house.” And he did not work many mighty deeds there because of their lack of faith.

HOMILY

Agosto na, ano. Pagkatapos nito ay 'ber-ber-ber' na tayo. 

Anyway, habang binabasa po kanina 'yong First Reading, pinagmamasdan ko 'yong mga mukha ninyo. Alam n'yo, ang isa sa mga konsolasyon ng isang pari habang nagmimisa para hindi antukin, eh tinitignan namin 'yong mga mukha ninyo. (laughs) Iba-ibang mga mukha. May mga naghihikab, (laughs) may mga kukuti-kutitap na 'yong mga mata. Naisip ko tuloy kanina habang binabasa 'yong First Reading, naintindihan kaya ng mga taong ito 'yong ine-emote na basahin no'ng ating reader? Pero hindi ko ho kayo masisisi kapag 'yong First Reading kanina ay hindi n'yo masyadong ma-gets. (laughs) Kasi, sa totoo lang, ano ba 'yong mga pinagsasabing binibilang na mga araw doon?

Alam n'yo po, we are familiar, sa loob ng simbahan, na sa ating selebrasyon, mayroon tayong sinusunod na tinatawag natin na Liturgical Calendar. Kaya bago pumasok sa misa, tinatanong ng mga lay minister ang pari, "Ano hong kulay ang isusuot natin?" Kasi ngayon, pwedeng green, pwedeng puti. Sabi ko, magputi na lang tayo, kasi kapistahan ni Peter Julian Eymard at First Friday, so magputi na lang tayo. At may sinusunod ding mga readings 'yan. At alam po natin na ang liturgical season ay may sacred seasons. Advent, Christmas, Lent, Easter, at syempre 'yong pinakamahaba ay 'yong Ordinary Time. 

'Yon pong mga Hudyo, sapagkat mayroon din silang covenant with God - at 'yong mga nagsimba kahapon, kung narinig ninyo 'yong First Reading - nagpatayo rin ang Diyos ng temple, ng dwelling place, kasama ang mga Hudyo. Meron din silang sinusundan po na calendar of festivities. Ang binasa po natin kanina sa First Reading ay ang lista ng apat na mahalagang kapistahan na kung saan ang mga Hudyo, saan man sila nanggagaling, ay kailangang umakyat ng templo ng Herusalem, four times a year.

'Yong unang kapistahan ay Passover. 'Yon ang paggunita nila taun-taon sa paglaya na ginawa ng mga Israelita mula sa 400 years of slavery from Egypt. Para sa kanila, 'yon ang simula ng kanilang covenant sa Panginoon. Kaya napakahalagang araw. Ang ikalawang kapistahan ay 'yong tinatawag po na Feast of the First Fruits - 50 days after Passover. 'Yon po ang original na kapistahan ng Pentecost, na kung saan ginugunita ng mga Israelita ang pagbibigay ng Sampung Utos ng Diyos, na naging pundasyon nilang mga batas at ng kanilang covenant. 'Yong pangatlo ay 'yong Day of Atonement. 'Yong mga Muslim may Ramadan - kaya nga sa August 9, holiday na naman sapagkat pagtatapos ng Ramadan. 'Yon palang Ramadan ay patterned after the 'Yom Kippur' ng mga Israelita, na kung saan once a year ay nag-aalay sila ng kanilang pagsisisi sa Panginoon sa lahat ng kanilang mga kasalanan. And then, the last festival mentioned is the Feast of the Tabernacles, kung saan po sa loob ng isang linggo, inaalisan ng mga Israelita ang kanilang mga bahay upang tumira sa mga tolda - mga kubol - para sa gano'n ay magunita nila ang 40 years ng kanila pong mahabang paglalakbay sa disiyerto bago marating ang Lupang Pangako. 'Yon 'yong magandang kuwento ng ating First Reading. 

'Yong Gospel reading naman natin, matapos ang maraming mga istorya ng mga parables, nakaka-frustrate kasi sabi dito, 'yong mga tao ay hindi makapaniwala kay Hesus sa Kanyang mga parables na punong-puno ng wisdom. Bakit? Kasi sabi nila, anak lang 'yan ng karpintero, eh. Kilala naman natin kung sino Siya, kung sino ang Kanyang pamilya. And the Gospel says Jesus was not able to do mighty works because of their lack of faith. 

Brothers and sisters, kapag pinagsama natin itong dalawang kuwentong ito - ang First Reading at ang Ebanghelyo - I think, ang nabubuong mensahe sa atin ng Word of God ngayong First Friday of August na ito, ay ang Diyos ay nangangailangan ng space. God is all powerful; totoo 'yon. God is all knowing; tama po 'yon. Subalit upang ang Diyos ay kumilos sa buhay natin, we need to give God a space. 'Yan ang hiningi ng Diyos sa Unang Pagbasa, na matapos ang mga Israelitang pumasok sa lupang pangako, huwag nilang kakalimutan ang Diyos, at dahil diyan, at least, apat na beses sa isang taon, iiwan nila ang kanilang mga trabaho. They will make a pilgrimage four times a year to Jerusalem, to remember the Lord. To give time to the Lord, to remember the mighty works of God. 

Gayon din naman sa ating Gospel. Bakit si Hesus hindi makagawa ng miracle? Walang space. The minds and hearts of the people are filled with their bias to Jesus. Kaya anumang kwento ang gawin ni Lord, anumang paliwanag ang gawin Niya sa parables, there is no space in the hearts and minds of the people. And God cannot do anything. 

Siguro 'yon din ang tanong ng Panginoon sa atin ngayon. May space ba si Lord sa buhay natin? May space ba siya sa time natin? Tayo ay isang sibilisasyon na napaka-conscious sa oras, ano? Masyado tayong tight sa oras. Bawat minuto, kailangang may ginagawa. Sayang ang oras. Pero isipin mo, kung nagkasakit ka, hindi mo pwedeng sabihing sayang ang oras, magtatrabaho ako. May sakit ka, eh....ha? Is there a space for God, not only in our time, but in our minds, and in our hearts? Sa ating pag-iisip, sa atin pong mga damdamin? O tulad ba tayo ng mga taong taga-Nazareth na wala - sarado na ang utak, sarado na ang isipan, ang damdamin sa Panginoon? A space for God.....

Kaya napakahalaga ho para sa ating mga tao na unang-una, may prayer time tayo. May retreat, di ba? Gustong gusto ko 'yong paliwanag ng aking propesor noon sa Loyola. What is prayer? Ang sabi po ni Thomas Green, ang aking propesor, "Prayer is opening to God." When you pray, you open to God. 

Pagkatapos ng ating First Friday noong nakalipas na buwan, sapagkat wala din si Father Joey noon, kinailangan ko pong tumakbo sa Puerto Princesa. Doon ako for one week sa Puerto Princesa. Nag-retreat ako at nagbigay ako ng talk sa 41 priests from the Diocese of Pagadian in Mindanao. Gustong-gusto kong makasama 'yong mga pari sa Mindanao - mga koboy. Iba 'yong mga pari sa Maynila eh, puro mga naka-Barong palagi. (laughs) Naka-Barong, naka-clean cut palagi...mga spoiled. (laughs) Eh sa Mindanao, hindi eh. Dalawa 'yong paring kasama ko, naka-tirintas 'yong mahabang buhok (surprised, amused reaction from the people), balbasarado ha. Nagko-conference kami, 'yong suot nila, 'yong shorts, ah....Koboy sila. But you know, I like it very well when I go on retreat with these priests from Mindanao, because I am also reminded about my own priesthood. Na kailangan ang pagpapari ay...nakasadsad sa lupa ang iyong mga paa. 

At itong mga pari sa Mindanao, ang daming mga kwento. How their lives are really challenging and real. 'Yong isang pari, nagkukwento kung papaanong namalegke siya. Hindi 'yong boy, kundi siya 'yong namalengke. At 'yong palengke, mga Muslim 'yong nandodoon. Eh kinursunada siya. Habang namamalengke siya't namimili ng mga isda, may bilyar sa likod niya. 'Yong may hawak ng taco o pool stick, ini-atras ang taco nang dire-direcho. Sapul ang likuran ng pari. Ano'ng pari pari....Mga Muslim....Mangiyak-ngiyak daw siya sa sakit pero sabi niya, 'Tiniis ko na lang. Hindi ako lumingon, sapagkat alam kong pag lumingon ako, may mangyayari." 

Sometimes, hearing people, fellow priests talk like this, fellow priests in a retreat, is a time with God. It is a time when God is reminding you, "Hoy...priesthood is a gift to you. Hindi sa iyo 'yan. Huwag mong angkinin, pahiram ko lang. Magpakatino ka. Magpaka-baba ka." 

We need prayers to have space for God. Minsan, not only prayers. We need delays....delays to have space for God. Alam n'yo minsan, ayaw na ayaw natin 'yong nade-delay. Tingin tayo nang tingin sa orasan. Delay...delay, delay. But you know, brothers and sisters, many times, God uses a delay to make a space for Himself. Kasi kung minsan, pag hindi tayo nade-delay, wala na tayong panahon para sa sarili at para sa Diyos. 

Isa po sa mga trabaho ko bilang pari ay magsulat sa St. Paul. Eh kung minsan dine-deadline na ako. "Father Domie, deadline na bukas." Naisip ko, gusto kong isulat 'yong article, 'yong reflection a month before, pero hindi ako makapagsulat. Delay...delay. Pagdating ng gabi, sabi ko, 'Lord, bukas na ang submission nito, kundi mahuhuli ang Sambuhay'. You'll be suprised. May mga bagay na hindi mo naisip noon, pero at the last moment, doon mo maiisip. 'Wow, maganda pala itong point of reflection na ito'. At 'yon finally ang isusulat mo. In 30 minutes, tapos, ano? Ganyan si Lord. Kaya huwag kayong magagalit kung nade-delay-delay kayo minsan. It can be God's way of giving a space for Himself in our lives. 

We need prayer, we need delays, and sometimes, we need sickness....Some people need to be sick to have a space for God, di ba? Sa totoo lang, 'yong iba, kundi maysakit, hindi hihinto, eh. Di ba? O...kung hindi magkasakit, hindi magdadahan-dahan. Tuloy-tuloy lang. Pati sarili, pati pamilya, napapabayaan. Sobrang sipag. Kaya kung minsan, siguro sabi ni Lord, "Oy...bed rest ka muna. Bed rest. At habang nagbe-bed rest ka, kakausapin Kita." 

Kaya, brothers and sisters, I think this is the point that the Lord would wish to tell us sa ating Word of God ngayon. Huwag kayong magtatampo kapag every now and then, God applies the brakes in your life. God needs your time. God needs a space in your mind. God needs a space in your heart. Amen.


No comments:

Post a Comment