July 27, 2013
Saturday – Year of Faith – Ordinary Time
by Rev. Fr. Rey Reyes (Society of St. Paul)
12;15PM Mass at Sto. Nino de Paz
Chapel, Greenbelt, Makati
When Moses came to the people and related all the words and
ordinances of the LORD, they all answered with one voice, “We will do everything
that the LORD has told us.” Moses then wrote down all the words of the LORD
and, rising early the next day, he erected at the foot of the mountain an altar
and twelve pillars for the twelve tribes of Israel. Then, having sent certain
young men of the children of Israel to offer burnt offerings and sacrifice
young bulls as peace offerings to the LORD, Moses took half of the blood and
put it in large bowls; the other half he splashed on the altar. Taking the book
of the covenant, he read it aloud to the people, who answered, “All that the
LORD has said, we will heed and do.” Then he took the blood and sprinkled it on
the people, saying, “This is the blood of the covenant that the LORD has made
with you in accordance with all these words of his.”
R. (14a) Offer to God a sacrifice of praise.
God the LORD has spoken and summoned the earth,
from the rising of the sun to its setting.
From Zion, perfect in beauty,
God shines forth.
R. Offer to God a sacrifice of praise.
“Gather my faithful ones before me,
those who have made a covenant with me by sacrifice.”
And the heavens proclaim his justice;
for God himself is the judge.
R. Offer to God a sacrifice of praise.
“Offer to God praise as your sacrifice
and fulfill your vows to the Most High;
Then call upon me in time of distress;
I will rescue you, and you shall glorify me.”

Jesus proposed a parable to the crowds. “The Kingdom of
heaven may be likened to a man who sowed good seed in his field. While everyone
was asleep his enemy came and sowed weeds all through the wheat, and then went
off. When the crop grew and bore fruit, the weeds appeared as well. The slaves
of the householder came to him and said, ‘Master, did you not sow good seed in
your field? Where have the weeds come from?’ He answered, ‘An enemy has done
this.’ His slaves said to him, ‘Do you want us to go and pull them up?’ He
replied, ‘No, if you pull up the weeds you might uproot the wheat along with
them. Let them grow together until harvest; then at harvest time I will say to
the harvesters, “First collect the weeds and tie them in bundles for burning; but
gather the wheat into my barn.”’”
HOMILY
Ang
mensahe po ng ating banal na Ebanghelyo ay may kaugnayan sa ating mga
para-paraan o attitude patungkol sa mga taong nagbibigay sa atin ng mga
pasakit, ng mga problema at sakit ng ulo. Inaanyayahan tayo ng ating banal na
Ebanghelyo na pag-aralan ang ating mga pag-uugali at ang ating ginagawa, at
tingnan natin kung nakatutulong sa atin ang ating mga pamamaraan.
Alam po ninyo, ang nagiging isang malaking problema natin ngayon ay ang maiksing pasensiya ng mga tao ngayon. Sinasabi po na dati nang itinuturo ng mga matatanda na kapag ang isang tao ay tumatanda at lalong nagkaka-edad, ay lalong dapat humaba ang kanyang pasensiya at pang-unawa. Dahil mas marami siyang alam na ngayon, at meron na siyang paghuhugutan ng kanyang kaalaman. 'Yon dapat, eh. Na habang tayo ay nagkaka-edad, humahaba ang ating pasensiya at pang-unawa. Eh kabaligtaran po ang nangyayari sa kasalukuyan. Napaka-igsi at umiigsi nang umiigsi ang pasensiya natin sa ating kapwa. Maski na sa ating mga kasama sa bahay, sa kapamilya. Napakaigsi ng ating pasensiya.
At ito po ang punto ng ating banal na Ebanghelyo. Narinig natin sa ating Ebanghelyo ang utos ng may-ari ng taniman, nang i-report sa kanya na may mga masasamang damo na tumubong kasama ng mga trigo. Ayon sa suggestion ng mga magbubukid ay kailangang bunutin na, tanggalin na kaagad ang mga damo. Subalit ang sabi ng may-ari, 'Huwag ninyong bubunutin at baka sa pagbunot ninyo'y mapahamak ang mga trigo. Hayaan na natin sila sapagkat darating naman ang tama at takdang panahon kung ano ang dapat na maging aksiyon para sa mga ganoong bagay." Kaya't dito natin kukunin ang mahalagang mensahe ng Ebanghelyo - sa utos ng may-ari. Hayaan muna nating sila ay lumaki sapagkat darating din ang takdang araw at panahon na tinatawag na reckoning o pagtutuos at pagbibigay ng tamang hakbang na dapat gawin. Kaya maliwanag po ito sa atin, mga kapatid. Ipa-alala natin sa ating sarili na tayo ay dapat na maging laging mapagpasensiya.
Meron po talagang mga tao sa ating buhay na uubos ng ating pasensiya. Merong mga taong talagang kontrabida sa ating buhay. May kokontra't kokontra talaga sa atin, na kina-iinis naman natin. At 'yong mga taong 'yon, ayaw nating makasama. Meron talagang mga taong nagpapasakit ng ating ulo. Asawa mo man, o anak mo. Ang problema, lumiliit nang lumiliit ang pang-unawa at ang pasensiya ng tao. Siguro mga kapatid, kung hindi rin lang kasalanan ang pumatay, siguro meron na tayong napatay, (laughs) dahil ngayon sa mundong ito, pag ayaw natin ng tao, gusto natin mawala kaagad sa landas natin ang mga ganitong uri ng tao at wala tayong pakialam sa mga taong ang dulot sa atin ay problema at sakit ng ulo.
Kung bakit dumadami ang bilang ng mag-asawang naghihiwalay, ito rin ang dahilan - ayaw na nilang pagpasensiyahan ang kanilang asawa. Hindi na nila hahayaang magdusa sila sa mahabang panahon kung ganito rin lamang ang kanilang asawa. Sa mga mag-asawang naririto, kung kailan kayo tumatagal sa pagsasama, dapat ay lalo kayong magpasensiya sa bawat isa.
Maski din naman sa mg anak, ay napaka-igsi din ng pasensiya ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Kaya naman ang mga anak ay nagre-rebelde, lumalayo at gumagawa ng mga bagay na pinagsisisihan nila habang buhay. May mga anak din naman na nawawalan na ng pasensiya sa kanilang mga magulang, lalo na kung maysakit at alagain na. Ang reklamo ng mga anak ay matigas ang ulo at hindi sumusunod ang kanilang mga magulang. Eh sino ba naman ang magpapasensiya sa mga magulang, kundi iyong mga anak? Alangan namang ibang tao pa ang umintindi sa inyong magulang. Kung sino man ang dapat umunawa, umintindi at magpasensiya, mismo ang mga anak dapat.
Huwag sana mangyari dito sa ating bayan ang nangyayari sa ibang bansa, na kapag may sakit na ang magulang, dinadala na sa nursing home o sa home-for-the-aged, at bahala na sila doon. Doon mo makikita na talagang walang tiyaga at hindi magtitiyaga ang mga anak sa kanilang magulang. Ayan. Huwag sanang mangyari 'yan, sapagkat hindi 'yan ang tatak Pinoy. Ang tatak Pinoy ay mapagmahal, mapagpasensiya at mapang-unawa. Hind natin kultura ang taong walang pasensiya sa kapwa.
Sa buhay natin, meron din naman talagang mga taong taong hindi tayo kursunada. May mga taong ayaw sa atin. Merong mga taong naiinggit sa atin, na kahit wala tayong ginagawa, sila ay inis at galit sa atin. Na kahit ano'ng gawin natin, meron talagang mga taong ayaw sa atin. Wala tayong magagawa. Hindi natin mapipigil ang mga taong ganyan. Kaya nga, ayon sa ating banal na Ebanghelyo, habaan natin ang ating pang-unawa at pasensiya.
Kaya po mga kapatid, napakaliwanag ng mensahe ng banal na Ebanghelyo sa ating lahat. Tayo po'y maging mapagpasensiya at mapag-unawa. Laliman natin ang ating pang-unawa. Hindi tayo basta-basta huhusga o kaya ay magko-condemn. Hanapan na muna natin ng dahilan kung bakit ganito ang tao na nakapaligid sa atin. Dahil pag hindi tayo natuto nang tama at magandang paraan, sarili din natin ang ating pahihirapan. Pag hindi tayo marunong humarap sa ganitong situwasyon, pag hindi tayo marunong magpasensiya at umunawa, tayo din ang mahihirapan at parurusahan natin ang ating sarili, dahil may mga taong hindi natin basta-bastang pwedeng alisin sa ating buhay.
Papaano kung ang magulang mo ang dapat mong pagpasensiyahan? Di mo pwedeng basta na lang idispatcha ang magulang mo. Papaano kung ang anak mo ang dapat mong intindihan at unawain at pagpasensiyahan? Hindi mo pwedeng palayasin 'yan dahil anak mo 'yan. Hindi mo pwedeng palayasin ang mga tao sa bahay mo, maski ang katulong mo, dahil lamang sa hindi makuha ang sinasabi mo. Hindi lahat ng ididikta mo ay makukuha o malalaman kaagad.
Kaya mga kapatid, simplehan lamang natin ang buhay. Huwag na nating pahirapan ang ating sarili. Pagandahin natin ang takbo ng ating buhay. Matuto tayo ng tamang paraan sa mga ganitong uri ng tao, dahil nandiyan sila at hindi mawawala. Kung matuto tayo ng tama at magandang paraan, mabubuhay ka pa rin tayo nang maayos at tatahimik ang lahat. Tayo ay sumunod sa iniuutos ng ating Panginoon, na tayo ay maging mapag-unawa, mapag-intindi at mapagpasensiya sa ating kapwa. Pagpalain tayo ng Poong Maykapal.

No comments:
Post a Comment