April 11, 2013
Thursday – Year of Faith – Easter Season
Memorial of Saint Stanislaus, Bishop and Martyr
by Rev. Fr. Carmelo P. Arada, Jr. (Minister)
(Ministry on Lectors and Commentators, Commission on Liturgy, Archdiocese of Manila)
5:30PM Mass, Mary, Queen of Peace Shrine (Our Lady of Peace Quasi Parish/EDSA Shrine)
Reading 1 Acts 5:27-33
When the court officers had brought the Apostles in and made them stand before the Sanhedrin, the high priest questioned them, “We gave you strict orders did we not, to stop teaching in that name. Yet you have filled Jerusalem with your teaching and want to bring this man’s blood upon us.” But Peter and the Apostles said in reply, “We must obey God rather than men. The God of our ancestors raised Jesus, though you had him killed by hanging him on a tree. God exalted him at his right hand as leader and savior to grant Israel repentance and forgiveness of sins. We are witnesses of these things, as is the Holy Spirit whom God has given to those who obey him.”
When they heard this, they became infuriated and wanted to put them to death.

R. (7a) The Lord hears the cry of the poor.
or:
R. Alleluia.
I will bless the LORD at all times;
his praise shall be ever in my mouth.
Taste and see how good the LORD is;
blessed the man who takes refuge in him.
R. The Lord hears the cry of the poor.
or:
R. Alleluia.
The LORD confronts the evildoers,
to destroy remembrance of them from the earth.
When the just cry out, the LORD hears them,
and from all their distress he rescues them.
R. The Lord hears the cry of the poor.
or:
R. Alleluia.
The LORD is close to the brokenhearted;
and those who are crushed in spirit he saves.
Many are the troubles of the just man,
but out of them all the LORD delivers him.

The one who comes from above is above all. The one who is of the earth is earthly and speaks of earthly things. But the one who comes from heaven is above all. He testifies to what he has seen and heard, but no one accepts his testimony. Whoever does accept his testimony certifies that God is trustworthy. For the one whom God sent speaks the words of God. He does not ration his gift of the Spirit. The Father loves the Son and has given everything over to him. Whoever believes in the Son has eternal life, but whoever disobeys the Son will not see life, but the wrath of God remains upon him.
HOMILY
Kilalang-kilala ni Hesus ang Kanyang Ama. Kaya nga tanging si Hesus lamang ang may tumpak na pagpapakilala ng Diyos sa ating lahat. At papaano ipinakilala ni Hesus ang Kanyang Ama? Siya ay isang Diyos na kung magmahal ay buhos-buhos. Isang Diyos na kung magmahal ay hindi nagtitipid.
Sa katunayan nga, ang pinakamatingkad na patunay ng buhos na pagmamahal na ito ay ipinadala Niya ang Kanyang sariling anak. Sabi sa Ebanghelyo natin kahapon, for God so loved the world that He gave His only Son. Ito ang pinakamatingkad na patunay na kung magmahal ang Diyos ay hindi nagtitipid. Kung magmahal ang Diyos ay buhos-buhos.
Minsan ay kinagalitan ni Hudas si Maria nang binuhusan nito ng mamahaling langis ang paanan ni Hesus. Sabi ni Hudas, pag-aaksaya daw ito ng pera. Ipinambili na lang daw sana ito, o ibinigay na lang sana ito para sa mga mahihirap. Ngunit sabi ni Hesus, hindi daw ito pag-aaksaya. Pagbubuhos daw ito ng pagmamahal. It is not wasting, but it is the lavishing of love.
Naiintindihan ito ni Hesus, sapagkat ganito magmahal ang Diyos. Kapag nagmahal ang Diyos, buhos-buhos. Ito ay ipinakitang larawan ni Hesus - isang Diyos na buhos-buhos magmahal - sa talinhaga ng manghahasik, o parable of the Sower. In the parable, Jesus tells us that God is a prodigal sower. Kung ang isang masinop na manghahasik ang gagawa nito, hahanapin niya 'yong matabang lupa. Titiyakin Niya na 'yong paghahasikan niya ng binhi ay tutubo ito. Ngunit ang manghahasik sa kuwento ng talinhagang ito, hindi na pinili kung ano 'yong mabuti at magandang lupa. Kahit sa matinik, kahit sa masukal na lupa, kahit sa lupa na walang pag-asang tumubo ang binhi, nilagyan pa rin niya ng binhi. Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Diyos - nagbibigay ng bagong pagkakataon. Buhos-buhos, hindi nagtitipid.
Ganito rin ang pagmamahal ng Diyos na ipinakita sa kwento ng ama ng alibughang anak o parable of the prodigal son. Hindi lang siya basta nagpatawad ng isang anak na bastos, ng isang anak na tila kinalimutan ang lahat. Ano'ng ginawa ng amang ito? Nang nagbalik ang walang utang na loob na anak, nagdiwang. Pinasuotan siya ng pangyapak, ng balabal, ng singsing, bilang tanda ng pagbubuhos ng pagmamahal. Ganito pong magmahal ang Diyos sa atin - hindi nagtitipid, labis-labis kung magmahal, pagbubuhos ng pagmamahal, walang pag-aaksaya. There is no wasting....only lavishing of love.
Noon pong mga nakaraang Mahal na Araw, at ngayong ipinagdiriwang natin ang Muling Pagkabuhay ni Hesus, ito po 'yong matingkad na paalala - ang pag-ibig ng Diyos ay labis-labis. The Passion, Death and the Resurrection of Jesus is a stark reminder of the lavishness of His love. Prodigal, lavish and extravagant.
Ang magandang tanong po sa atin - paano at gaano po tayo magmamahal? Buhos-buhos ba rin po, o tira-tira, tinitipid, tingi-tingi?
Si Jennifer po ay ipinanganak na walang kawilang tenga. Kaya nga po noong pagkabata niya, siya ay naging malungkot dahil tinutukso siya ng kanyang mga kapwa bata. Lumaking mapag-isa itong si Jennifer, dahil iniiwasan niya 'yong lahat ng mga bata na tutukso sa kanya.
Pagdating ng kanyang 18th birthday ay napagpasiyahan ng kanyang mga magulang na ang iregalo sa kanya ay ear transplant. Nagpunta sila sa isang doktor. Ang sabi ng doktor, "Madali lang 'yan. Humanap lang kayo ng ear donor." At nakahanap nga sila ng ear donor, naging successful ang operation, at instant ay napakaganda nitong si Jennifer. Kaya nga sa kanyang debut, pumipila ang mga gustong maging escort niya.
Bago magsimula ang kanyang party, umakyat si Jennifer sa silid ng kanyang mga magulang para magpasalamat. Nakita niya ang kanyang nanay na nag-aayos. Noong akmang yayakapin na niya 'yong kanyang nanay, nasagi niya ang buhok nito, nakita niya na walang kaliwang tenga ang kanyang nanay. Ang nanay pala niya ang nagbigay ng tenga sa kanya.
Umiyak si Jennifer. Ang sabi niya, "Buong buhay ko, hindi ko na kinailangang tanungin sa inyo, hindi n'yo na kinailangang patunayan kung mahal n'yo ako. Hindi n'yo na kailangang gawin ito." At ano'ng sagot ng nanay? "Jennifer, I do not want you to be sad. I do not want to see you crying. I want you to be happy. Remember this. You do not lose something, when you give it to someone you love."
Gaano po ba tayo magmahal? Paano ba tayo magmahal? Buhos-buhos at labis-labis din po ba o...tinitipid natin, tingi-tingi lang, tira-tira. Kung papaano po sana tayo minahal ng Diyos, ganoon din tayo magmahal.

No comments:
Post a Comment