Monday, September 3, 2012

Gospel Reflection


 

September 03, 2012
Monday
Weekday
by Rev. Fr. David Concepcion
(Afternoon Mass at Edsa Shrine)

First Reading:               Genesis 2:4-9, 15
Psalm:                         Psalm 90:2-5, 12-14, 16
Gospel:                        Matthew 6:31-34           

31 Therefore do not be anxious, saying, `What shall we eat?' or `What shall we drink?' or `What shall we wear?' 32 For the Gentiles seek all these things; and your heavenly Father knows that you need them all. 33 But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things shall be yours as well. 34 "Therefore do not be anxious about tomorrow, for tomorrow will be anxious for itself. Let the day's own trouble be sufficient for the day.


HOMILY

Sometimes, we forget that priests are human. And that is why we need to pray for our priests. Sometimes in the priesthood, insecurities seep in. Dumarating 'yon eh, lalo na pag tumatanda na. Kasi ngayon ang binabati nyo lang ay ang mga batang pari, kasi amoy pari pa, di po ba?  Talagang dumarating po 'yon, ano po? Pag batang pari, ang kwentuhan "saan ka naka-assign?" Pag middle clergy, ang tanong eh, "anong project mo ngayon?" Pero pag matandang pari, ang tanong "ano na ang mga gamot mo", ano po? Maintenance na ang pinag-uusapan. Pag nag-retire na, lumalabas po 'yong mga insecurities. What I am trying to say is - ordination will never remove from a priest, his own wounds as a human person. Kaya kayong mag-aasawa, do not expect to change your husband or your wife, na mababago ng pag-ibig ang inyong magiging asawa. Tanging Diyos lang ang kayang baguhin ang tao. Pero ang Diyos nga hindi nabago si Hudas eh.

What is the Gospel about? Even among the rabbis, there were insecurities. Alam nila kung ano ang nagagawa ni Hesus, pero "kami, excuse me, kami ang mga nauna dito sa 'yo", di po ba? Kami ang mga nauna dito, sino ka ba? Ganito po ang problema natin sa pang-araw araw. Kaya tayo hindi natututo, kasi pinanghahawakan natin 'yong mga luma nating kaalaman. My dear friends, my dear brothers and sisters, someone said that the illiterate people of today are not those who can't read or write. The illiterates of today are those who do not want to learn, those who do not want to unlearn, and those who do not want to re-learn. Sila 'yong ayaw nang matuto, ayaw nang magbago, at ayaw nang mag-aral.

There is a saying that "if you do what you have been doing, then you will be getting what you have been getting". Mga minamahal na mga kapatid, ano po ba ang challenge ngayon? Maybe God is talking to us and saying - ano ba 'yong mga bagay bagay na dapat baguhin sa atin, upang magkaroon tayo ng pag-unlad sa ating pagkatao? Sapagkat hindi lahat ng nagbabago ay umunlad, pero ang lahat ng umunlad ay nagbabago. Dati, umiinom - hindi na umiinom ngayon - nag-shashabu na (laughs). Nagbago, pero umunlad ba? Dati late, ngayon absent na - may pagbabago, pero umunlad ba? My brothers and sisters, hindi lahat nang nagbago ay umunlad, ngunit lahat ng umunlad ay nagbago.

Maganda po nating itanong sa ating sarili - ano po kayang meron sa buhay na humihingi ng pagbabago tungo sa pag-unlad?

No comments:

Post a Comment